Netizens, ikinalungkot ang balitang hindi na mababalikan pa ang mga kabayo, iba pang hayop sa Taal

  • Ikinalungkot ng netizens ang mensahe ng mga awtoridad na hindi na mare-rescue pa ang mga kabayong sinasakyan ng mga turista sa Taal
  • Maging ang ibang mga hayop na naiwanay hindi na rin umano makukuha ng mga rescuers
  • Pinayagan naman ng pamahalaan ang grupong PETA upang tulungan at i-rescue ang mga hayop sa loob ng evacuation zone

Marami ang nalungkot sa mensaheng ipinahayag ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Batangas tungkol sa mga hayop na naiwan sa isla kung nasaan ang Bulkang Taal.

Imahe mula kay Menchie Silvestre | Facebook

Kabilang sa mga hayop na tinutukoy ng ahensiya ang mga kabayong sinasakyan ng mga turista papunta sa tuktok ng Taal Volcano.

Sa Facebook, ibinahagi ni Menchi Silvestre ang mensahe mula mismo sa ahensiya.

“The PDRRMO of Batangas said they will no longer be able to rescue the horses that have served the tourists, as well as the other livestock on the island,” sabi nito sa post.

Hiling niya, “Sana animal welfare advocates could address this.”

Makikita rin sa larawang in-upload ni Silvestre ang pangalan ng namumuno sa Batangas PDRRMO na si Lito Casteo, na siyang kinapanayam ng News Radyo 5.

Dahil dito, ipinahayag ng grupong People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) Asia na handa silang tulungan ang mga kaawa-awang hayop na naiwan sa isla.

“The working horses on the island never receive veterinary care. Many tourists flock to Taal to climb the volcano, and most opt to ride on the malnourished and tired horses’ backs up and down the steep slopes in the blazing sun,” sinabi ng grupo sa isang pahayag.

Imahe mula sa PETA Asia | Twitter

Pinayagan na rin ng pamahalaan ang PETA na puntahan ang mga hayop sa loob ng evacuation zone upang matulungan at mai-rescue na ang mga ito. Sa kasamaang palad, hindi na nila nailigtas pa ang karamihan sa mga kabayo na naiwan sa lugar.

Loading…