Netizens naantig sa 8-anyos na batang gumagamit ng panghangin ng gulong bilang nebulizer

Imahe mula sa video ng KMJS via Facebook
  • Isang batang lalaki ang kumurot sa puso ng netizens
  • Pamb0mba kasi ng gulong ang ginagamit na nebulizer kapag sinusumpong ito ng hika
  • Dahil sa kaniyang kuwento, marami ang nagpahatid ng tulong

Naantig ang puso ng netizens sa kuwento ng isang batang lalaki mula sa MacArthur, Leyte na gumagamit ng pamb0mba ng gulong bilang improvised nebulizer.

I-click ang imahe para mapanood ang video via Facebook

Inilahad ng Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) nitong Linggo ang kuwento ng walong taong gulang na si Lee Begnotea. Dalawang taon pa lamang daw ang bata nang malaman nilang may hika ito. Bagama’t may nebulizer machine noon, nasira na raw ito at walang kakayanan ang kaniyang pamilya na bumili ng bago.

Noong nakalipas na Bagong Taon, muli na naman daw umatake ang hika ng bata dahil sa usok ng mga paput0k kaya naman naisip ng netizen na si Mary Ann Catada na ibahagi ang kuwento ng bata dahil sa pagbabakasakaling may mabuting kalooban ang magpaabot ng tulong sa kanila.

Ipinakonsulta ng KMJS sa doktor si Lee at dito nila nalamang may sakit na br0nchial asthma ang bata. Paliwanag ng doktor, hindi raw ligtas ang improvised nebulizer na ginagamit ng bata dahil may mga kemikal daw ang pamb0mba na maaaring makasama sa kaniyang kalusugan.

Ayon sa ama niyang si Noel, bagama’t mabigat sa kaniyang loob na nakikitang nahihirapan ang anak, wala siyang magawa dahil hindi sapat ang P250 kada araw na kinikita niya sa koprahan. Ang kaniyang asawa naman na dating overseas Filipino worker, umuwi na ng bansa upang matutukan ang kanilang mga anak.

“Minsan, sumasama yung anak ko sa trabaho. Wala namang kuryente roon. Yun, dinadala ko yung bomba. Pag inatake, nahihirapan siyang huminga,” sabi ni Noel.

I-click ang imahe para mapanood ang video via Facebook

Marami naman ang nag-abot ng tulong para kay Lee. Bukod sa pagpapacheck up ng KMJS, may nagbigay na rin ng bagong nebulizer sa kaniya gayundin ang pangmatagalang supply ng kaniyang mga gam0t. Nabiyayaan din si Lee, na nangangarap na maging pulis, ng scholarship mula senior high school hanggang college.

“Maraming salamat po, may future na po ang anak namin. Hindi na po namin kailangang mag-worry sa future ng anak namin,” sabi ng ina niyang si Babielyn.

Para sa mga nagnanais na magbigay ng tulong kay Lee, maaari itong isend sa:

FIRST CONSOLIDATED BANK – ABUYOG, LEYTE
ACCOUNT NAME: NOEL C. BEGNOTEA
ACCOUNT NO: 054-1001-001235-4

Loading…