Netizens naantig sa surpresa ng amang OFW sa anak na magdiriwang ng kaarawan

  • Pinag-uusapan ngayon ang surpresa ng isang amang OFW para sa kaniyang anak na magdiriwang ng kaarawan
  • Nagpanggap kasi siya na magdedeliver ng order ng bata
  • Nang alisin ang panyong nakatakip sa kaniyang mukha ay agad na napayakap sa kaniya ang anak

Maraming mga pamilyang Pilipino ang nagtitiis na magkahiwa-hiwalay dahil ang ilang miyembro ay nakikipagsalaparan sa ibang bansa dahil sa pag-asang makatutulong ito upang guminhawa ang kanilang buhay.

Imahe mula sa video ni She Ignacio via Facebook

Isang amang overseas Filipino worker (OFW) ang pinag-uusapan ngayon sa social media dahil sa surpresang pagdating niya para sa kaniyang anak. Ibinahagi ni She Ignacio ang nakaaantig na video ng tagpong ito sa kaniyang Facebook account.

Makikita rito si Rodel na nagpanggap na nag-deliver ng order ng batang si Ashley.

“Walang kaalam alam si Ashleng na si Daddy niya ‘yan. Ang alam niya dumating na order niya sa Lazada,” kuwento ni She sa kaniyang post. Nang alisin ang panyo na nakatakip sa mukha ng lalaki, agad na napayakap dito ang bata.

Ang pagdating daw ng amang OFW ang regalo nila para sa kaarawan ng bata.

“‘Yan talaga ang surprise ko sa’yo para sa birthday mo, ate. ‘Yan ang wish mo, ‘di ba? Ang makasama sa birthday mo si Daddy. Happy ka na [pero] mas happy kaming makita kang masaya,” dagdag pa niya.

I-click ang imahe para mapanood ang video via Facebook

Marami ang natuwa sa ginawang surpresa ni Rodel.

Sabi ni Grace C, “I salute yung mga amang sinusurpresa ang kanilang mga anak. Bihira na lang ang mga amang mapagmahal sa pamilya.” Hiling naman ni E. Sotis, sana raw lahat ng ama ay katulad ni Rodel na mapagmahal sa anak.

Si R. Fords naman, naka-relate daw sa sitwasyon ng mag-anak.

“Naluha ako. Relate ako sa sitwasyon. Para sa nag-iisa kong anak, nagawa ko ang ganiyan. Nakita ko sa mata ng anak ko ang labis na pagkasabik sa ama nang makilala niya ako. Mahalin natin ang mga anak natin,” sabi niya.

Happy birthday, Ashley!

I-click ang imahe sa itaas para mapanood ang video via Facebook.

Source :

Facebook

Loading…