Netizens nagpasalamat sa jeepney driver na hindi sinisingil ng pamasahe ang mga bakwit

Imahe mula sa Facebook | Philippine Star
  • Isang jeepney driver ang pinasasalamatan ngayon ng netizens dahil sa pagtulong sa mga bakwit sa simple niyang paraan
  • Hindi kasi niya pinagbabayad ang mga evacuee na naisasakay niya
  • Ayon sa kaniya, isang linggo na raw niyang ginagawa ang kabutihang ito

Walang maliit o malaking tulong ngayon para sa mga residente naapektuhan ng pagsab0g ng Bulkang Taal na mahigit isang linggo nang namamalagi sa evacuation centers.

Imahe mula sa Facebook | Philippine Star

Hindi man maganda ang karanasang ito dahil malaki na ang pinsalang naidulot nito sa buhay at kabuhayan ng mga taga roon ay nailabas naman nito ang bayanihang Pilipino. Maging ordinaryong Pilipino at mga artista ay nagkapit-bisig na upang magtulungan sa kaniya-kaniya nilang paraan.

Isang jeepney driver sa Batangas ang nakaisip ng sarili niyang paraan upang makapag-abot ng tulong sa kaniyang mga kababayan. Ibinahagi ng Facebook user na si Julie Ann Pasia ang pasasalamat sa kaniya dahil hindi na niya siningil ang mga pasaherong bakwit.

Kuwento ni Pasia sa post na ibinahagi ng Philippine Star, biyaheng SM – LUMA raw ang jeepney driver na hindi tumatanggap ng bayad mula sa mga bakwit.

“Tinanong agad niya kung mga evacuees daw kami, agad niya ako sinagot na, ‘Huwag na ineng, isang linggo ko nang ginagawa ‘yan sa mga evacuees,” kuwento ni Pasia. “Talagang may nabubuhay po talaga na ganito sa mundo.”

Inulan naman ng papuri ang jeepney driver dahil sa kaniyang pagmamalasakit. Sabi ni Ching R., “People who have rarely everything are the people who can give anything because they know how it feels to have nothing. God bless po kay Manong. I know he has mouths to feed pero hindi siya nagdalawang isip na tumulong.”

Imahe mula sa Facebook | Philippine Star

Si M. Macaraig naman, nagpasalamat sa tulong ng mga Good Samaritans. “Heartwarming stories of people doing their own little ways of kindness to help other people in distress. Thank you Good Samaritans,” komento niya.

“The smallest act of kindness is worth more than the grandest intention,” sabi naman ni Nin.

Nananatili pa rin sa evacuation centers and mga residenteng nasa danger zone dahil nakataas pa rin ang Alert Level 4 sa Taal na nangangahulugang maaaring maganap ang hazard0us expl0sive erupti0n sa loob ng ilang oras o araw.

Source :

Facebook

Loading…