‘Never ever lose your faith’: Catriona Gray may liham sa 15-year-old self

Imahe mula sa Instagram | Catriona Gray
  • May liham si Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa kaniyang 15 anyos na sarili
  • Hinimok niya ang sarili na lakasan ang loob dahil magiging maayos din ang lahat sa kaniyang buhay
  • Ibinahagi niya ito sa kaniyang Instagram account

Bago magtapos ang 2019 ay nagbalik-tanaw sa Instagram si Miss Universe 2018 sa dekadang nakalipas.

Imahe mula sa Instagram | Catriona Gray

Nagbahagi siya ng mga larawan kalakip ang liham para sa kaniyang 15 anyos na sarili. Pinalakas niya ang loob ng sarili at sinabing matatalo ng kaniyang ama ang kanyang karamdaman at makakasama pa niya ito 10 taon ang nakalipas.

“To my 15 year old self… Firstly, don’t be scared, daddy is going to beat the cancer. I know it seems scary now but he will still be by your side 10 years later, still singing along to Elvis tunes in the car and stealing all the chocolate from the fridge,” sabi ni Catriona.

Binilinan din niya ang younger self na magtiwala sa proseso sa kabila ng pressure na nararamdaman niya. “I know you’re beginning to feel the pressure of expecting to know what to do with your life. You won’t find it for a few years but it’s okay. But please be kind and patient with yourself. Like you’ve always done, you’ll place the weight of the world on your shoulders. Trust in the process,” saad niya.

Imahe mula sa Instagram | Catriona Gray

Kalaunan daw ay mahahanap din naman niya ang kaniyang passion. “Eventually, you will discover work that you love that makes you feel fulfilled. And it’s nothing that you’d expected, but it’s greater than you’ve ever, ever dreamed. Never, ever lose your faith,” pagtatapos niya.

Kamakailan lamang ay bumalik na sa bansa si Catriona dahil natapos na ang kaniyang reign bilang Miss Universe. Excited na raw siya na simulan ang mga proyektong nakalinya para sa kaniya dahil sa wakas ay magagawa na niya ang isa pa niyang passion — ang music.

“Since I was 18, I have been dreaming of pursuing music and it always gets put off or pushed to the side. Actually, now that I get to pursue it, it’s like, oh my goodness, it’s like another dream that I’m able to see in my view so I am very excited,” aniya.

Loading…