New fashion trend? Netizen ibinahagi ang kakaibang pantalon na pang-whole body na

  • Isang social media post ang patok ngayon dahil ipinakikita raw nito ang mauusong damit sa 2020
  • Ito ay isang maong na imbes na sa ibabang bahagi lang isinusuot, ay pantakip na rin sa itaas na bahagi
  • Iba-iba naman ang reaksyon ng mga netizens sa nasabing pinakabagong porma ng dekada

Kasabay ng pagpasok ng bagong taon, ay ang pagdating din ng iba’t ibang bagay na mauuso. Pinag-uusapan na ngayon ang mga mauusong hairstyle, mauusong mga kanta, at maging mga pampasuwerte. Panahon na rin ito para sa mga bagong meme online, tulad ng Dingdong Dantes pun.

Pero siyempre, nakaabang din ang marami sa atin sa mga bagong pormang mauuso ngayong 2020. May mga fashion expert na nagsabi ng mga disenyo na sa tingin nila ay patok at hindi patok sa taong ito. Ngunit mayroon din namang mga simpleng netizens lang na tila nagdidikta na kung anong uso sa pagpasok ng bagong dekada.

Larawan mula sa Facebook post ni Zhul Alexis

Isa na rito ang netizen na si Zhul Alexis na nag-post ng sinasabi niyang mauusong kakaibang porma ngayong taon. Tipikal lang sana ang suot ng babae sa larawan dahil maong na pantalon lang naman ito. Iyon nga lang, imbes na sa ibabang bahagi lang ng katawan ang may pantalon, ito na rin ang nagsisilbing saplot sa itaas na bahagi ng kanyang katawan.

Nagsisilbing one-piece na damit na ang maong na pantalon. Hanggang sa dibdib ito ng magsusuot na animo’y isang tube. Naroon pa rin ang zipper nito at may suot pang belt. Nilagyan lang ng palamuting bulaklak ang maong upang magkaroon ng ibang kulay at mas maging buhay ang kulay.

Pumatok naman agad sa mga netizens ang post na ito ni Zhul at sa loob ng pitong oras, umani na agad ito ng 2,000 reactions, 700 comments, at 7,400 shares. Iba-iba naman ang opinyon ng mga social media users sa paandar na ito ni Zhul.

Sabi ng iba, dapat daw ay tawagin niya ang porma na ito bilang ‘super high waist’ dahil literal na isusuot mo ang pantalon hanggang sa itaas ng iyong baiwang. May ilan namang nagsasabi na bagay daw sa kanila ang pormang ito at magiging mukhang long legged sila.

Larawan mula sa Facebook post ni Zhul Alexis

“Awww. Pag sinuot ko to, sigurado na akong magiging long legged. Hahaha. Saan ba nakakabili nito? Meron na ba sa Bench?” sabi ng isang netizen na mukhang interesadong subukan din ang kakaibang maong.

Mayroon namang mga netizens na tila ilag at weirdo ang tingin sa pormang ito. Ilang mga netizen ang nagkokomento na nakakatawa raw tignan ang ganitong uri ng damit. May isa namang ang suliranin ay kung paano raw magbabanyo kung ito ang suot mo. Eh ‘di ‘remove everything’! LOL

Loading…