Nikki Valdez may mensahe sa mga katulad niyang magulang ng mga batang may special condition

Imahe mula sa Instagram | Nikki Valdez
  • May mensahe si Nikki Valdez sa mga katulad niyang magulang ng mga batang may special condition
  • Ang anak niyang si Olivia Ysabelle kasi ay may rare c0ngenital hand condition
  • Payo niya sa mga magulang, laging ipaalala sa kanilang mga anak na kahit iba sila, hindi ito kabawasan sa kanilang pagkatao

“Before each day ends, let us never fail to let our kids know we love them no matter what and that being different does not mean we are less of a person as long as we continue to do good and be good to others.”

Imahe mula sa Instagram | Nikki Valdez

Ito ang mensahe ng aktres na si Nikki Valdez sa mga kapwa niya magulang na may mga anak din na may special condition.

May symbrachydactyly ang kaniyang 11 taong gulang na anak na si Olivia Ysabelle. Ayon sa Children’s Hospital of Philadelphia, ito ay isang “rare c0ngenital hand condition in which a child is born with abn0rmally short fingers that may be webbed, misshaped, or missing. Usually, only one hand is affected; the other hand appears normal.”

Madalas na laman ng Instagram ni Nikki ang kaniyang anak dahil siya raw ang number one fan nito. Sa kaniyang recent Instagram post, nagbahagi siya ng larawan ni Olivia habang hawak ang kaniyang cellphone gamit ang kaniyang “baby hand.”

“Took this stolen shot of our baba last week holding the phone with her ‘baby hand.’ This is just one of the many things she could do with it,” sabi niya.

Imahe mula sa Instagram | Nikki Valdez

Ibinahagi niya rin ang pagkatuwa dahil noon daw ay marami siyang kinatatakutan. “Minsan, nakaka-amaze din makita na ‘yung dating kinakatak0t namin na pagtatawanan at iiwasan siya dahil sa kamay niya, hindi pala. Actually, ang cute nga o,” sabi niya.

May sweet na mensahe rin siya para sa kaniyang anak. “Babe, I want you to know that I am happy that you accept the person that you are. Despite your being different, you are loved by many, most specially me and our whole family,” dagdag ni Nikki.

Sa isa pang Instagram post, proud na proud din siya sa talento ng kaniyang anak sa pagsasayaw. “Kilig na kilig ako seeing you doing this effortlessly…I dedicate this post to all limb different people and their parents for their acceptance and true strength that only can be given through unconditional love for their children,” sabi niya.

Loading…