No. 1 sa takilya? Bumubuo ng ‘Miracle in Cell No. 7’, nagdaos ng thanksgiving party

  • Nagbunga ng maganda ang pagpupursigi ng mga bumubuo ng Filipino film adaptation ng Miracle in Cell No.7
  • Isa ito sa mga pelikulang pinipilahan sa mga sinehan ng mga Pilipinong manonood at patuloy na pinag-uusapan sa social media
  • Dahil sa tagumpay, nagdaos ang buong cast at crew ng Miracle in Cell No.7 ng thanksgiving party

Nagdaos ng thanksgiving party ang mga cast at crew ng isa sa mga official entries ng 45th Metro Manila Film Festival — ang Filipino film adaptation ng Miracle in Cell No.7.

Ayon sa report ng Pep, ang party ay ginanap sa isang restaurant at brewery sa Pasig City. Siyempre, present sa pagtitipong iyon ang lead stars na sina Aga Muhlach at Xia Vigor.

Imahe mula sa Viva Films Facebook page

Present din ang mahuhusay na co-stars na sina Joel Torre, JC Santos, Soliman Cruz, Jojit Lorenzo, at John Arcilla.

Nakidiwang din ang direktor ng pelikula na si Nuel Naval, ang manunulat na si Mel del Rosario, at ang mga executives ng Viva Films na sina June Rufino, Vincent del Rosario, at Vic del Rosario Jr. Gayunman, wala si Bela Padilla na nagbabakasyon umano sa Japan.

Samantala, nagpaabot naman ng malugod na pasasalamat ang buong cast sa lahat ng mga tumangkilik at nanood ng kanilang pelikula.

Sa Enero 7 nakatakdang matapos ang 45th Metro Manila Film Festival kaya hinihikayat pa rin nila ang mga hindi pa nakakapanood ng Miracle in Cell No.7.

Sa kabila nito, malaki umano ang posibilidad na ma-extend ang pagpapalabas ng nasabing pelikula sa mga piling sinehan lalo pa’t dinadagsa pa rin ito ng mga manonood.

Wala pang opisyal na listahan hinggil sa mga pelikulang may pinakamalaking kinita para sa 45th Metro Manila Film Festival. Gayunman, isa ang Miracle in Cell No.7 sa mga top grossing movies ng nasabing film festival.

May mga nauna pa ngang balita na naungusan na nito sa takilya ang The Mall, The Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis

Imahe mula sa Viva Films Facebook page

Wala mang gantimpalang natanggap sa nakaraang Gabi ng Parangal, marami pa ring dapat ipagpasalamat ang lahat ng bumubuo sa Miracle in Cell No. 7 dahil matagumpay nitong sinalamin ang kultura at pamilyang Pilipino.

Source :

Pep

Loading…