‘Not healthier, not worse’: Kris Aquino nagbigay ng update sa lagay ng kalusugan

Imahe mula sa Instagram | Kris Aquino
  • Ibinalita ni Kris Aquino sa kaniyang Instagram followers na bagama’t hindi bumuti ang lagay ng kaniyang kalusugan ay hindi rin daw ito lumala
  • Nakaranas kasi si Kris ng pamamaga ng kamay at matinding ubo sa loob ng tatlong linggo
  • Nang lumabas ang resulta ng kaniyang blood test ay napag-alaman na pareho pa rin ito sa resulta ng kaniyang mga test noong Nobyembre

Nagbigay ng update ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa lagay ng kaniyang kalusugan sa kaniyang mga Instagram followers.

Imahe mula sa Instagram | Kris Aquino

Ayon sa kaniya, masaya siya dahil kahit hindi bumuti ang kaniyang lagay ay hindi rin naman daw ito lumala.

Nakaranas daw siya ng pamamaga ng kanang kamay at nagkaroon ng matinding ub0 sa loob ng tatlong linggo kaya naman habang hinihintay niya raw ang resulta ng mga blo0d test ay inisip niyang kung hindi man maging maganda ang resulta, ang mahalaga ay maaga itong na-detect.

“[The] results I got this afternoon were a reason to be grateful, because my results in November are still the same this January,” saad niya.

Gayun pa man ay patuloy pa rin daw niyang nilalabanan ang anemia, thyr0id issues, at iba pang mga karamdaman. “But a positive attitude is so beneficial to wellness. I may not be healthier, but I am not worse,” sabi ni Kris.

Imahe mula sa Instagram | Kris Aquino

Binigyan daw siya ng kaniyang doktor ng karagdagang mga gamot at immunity-boosting supplements. Pinayagan din daw siyang puntahan ang mga commitment at bumalik sa trabaho.

“I have stopped asking why, but rather THANK YOU because each new day is a blessing,” sabi niya.

Dahil dito ay makatutulong daw siya sa gagawing outreach ng kaibigan para sa mga residente na apektado ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

“There is good in this world, we should never get tired of finding it,” pagtatapos ni Kris sa kaniyang post.

Source :

Instagram

Loading…