Operasyon ng isang meat supplier ipinatigil matapos magpositibo sa ASF ang mga produkto sa supermarket

  • Operasyon ng meat supplier sa Quezon City sinuspinde ng DA
  • Mga karneng isinuplay ng kumpanya sa isang supermarket nagpositibo sa ASF
  • Pinagpapaliwanag ng DA ang NMIS kung bakit may NMIS seal ang mga kumpiskadong karne

Pansamantalang ipinasara at ipinatigil ng Department of Agriculture (DA) ang operasyon  ng isang meat supplier matapos magpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang ilang produkto nito na ibinebenta sa isang supermarket sa Quezon City.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Pinangalanan ng DA ang meat supplier bilang ang North Star Meat Merchants, Inc. na mayroong operasyon sa Cherry Congressional grocery.

Ayon kay DA Secretary William Dar, suspendido na ang pagsusuplay ng kumpanya ng mga karne sa mga supermarket at palengke. Mismong ang kalihim ang nag-utos na ipataw ang sanction sa meat supplier.

Natuklasan ang mga ASF-tainted meat sa supermarket nang magsagawa ng pagsusuri ang ahensya sa mga karneng naka-display sa meat chiller noong December 19, 2019 matapos makarating sa ahensya ang ulat na nakitaan ng palatandaan ng ASF ang mga itinitindang karneng baboy.

“The meat found in the supermarket was found positive for ASF, so with that we sent a notice of closure earlier to North Star, then the NMIS (National Meat Inspection Service) continued its evaluation in the company,” pahayag ni Sec. Dar.

Hindi muna pinagagamit ang meat chiller kung saan nakuha ang mga apektadong karne.

Sec. William Dar/Screenshot mula sa ABS-CBN video

Pinagpapaliwanag din ng kalihim ang NMIS kung bakit ang mga nakumpiskang karne ay may NMIS seal, na ang ibig sabihin ay pasado iyon sa masusing pagsusuri at sertipikadong ASF-free.

Sinabi naman ng North Star Meat Merchants na isang “isolated case” ang nangyari. Nakikipagtulungan na umano ang kumpanya sa DA at sa NMIS.

“We assure the public that our company conforms to the highest and most stringent processes to ensure that the regulatory guidelines are met and followed,” pahayag pa ng meat supplier.

Screenshot mula sa ABS-CBN video
Source :

ABS-CBN, MSN

Loading…