Bukod sa overpricing issues, pekeng N95 masks itinitinda sa Maynila

Imahe mula sa Saksi Ngayon
  • Matapos mabalitang may mga nagtitinda ng mga N95 masks sa mas mahal na halaga, nag-ikot ang DTI sa mga tindahan sa Maynila
  • Bukod sa overpricing, natuklasan din nila na may mga nagtitinda ng pekeng N95 masks
  • Mabili ngayon ang N95 masks dahil ginagamit ito bilang proteksyon sa masamang epekto ng ashfall sa kalusugan

Sa kabila ng sinapit ng marami nating kababayan dahil sa pagput0k ng Bulkang Taal noong Linggo ng tanghali ay may mga nagagawa pa rin na manamantala sa sitwasyong ito.

Imahe mula sa GMA News

Ito ang napag-alaman ng Department of Trade and Industry (DTI) matapos nilang magsagawa ng surprise inspection sa mga tindahan sa Sta. Cruz, Maynila.

May mga nakita kasi silang nagbebenta ng mga  pekeng N95 masks na mas manipis kaysa sa mga tunay at sa mas mahal pang halaga. Ayon sa ulat ng Inquirer.net, P100 ang benta sa mga ito; mas mahal sa ibang katulad nito na mabibili lamang ng P50 sa ibang tindahan.

Una nang napaulat na ibinebenta sa mas mataas na halaga ang mga N95 masks na inirerekomenda ng mga eksperto dahil mapoprotektahan nito ang kalusugan sa masamang epekto ng ashfall.

Paliwanag naman ng may-ari ng tindahan, binili niya lang din ito sa kaniyang supplier kaya hindi niya alam na peke ang mga ito. Mas mahal din daw talaga ang kuha niya sa mga ito.

Sabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, nagbigay raw sila ng notices of violations sa pitong tindahan sa loob lamang ng isang oras na paglilibot.

“We have to consider also na medical supplies ito. Ibig sabihin kailangan ng may sakit. Itong face mask, kailangan dahil sa Taal Volcano erupti0n, so may sakit na ‘yung tao, may karamdaman na, at may pangangailagan na dahil sa volcano eruption, pagsasamantalahan pa ng mga tindahan, kaya hindi tayo papayag na hindi sila makasuhan,” sabi niya sa Inquirer.net.

Imahe mula sa MovePH

Iminungkahi na ng DTI sa Department of Health na maglabas ng suggested retail price ng mga face mask upang maiwasan ang overpricing nito. Nitong Lunes lamang ay nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno na tatanggalan niya ng business permit ang mga tindahan sa lungsod na magpapatong sa presyo ng mga mask.

Maaaring maharap sa profiteering ang mga may-ari ng tindahan na mapatutunayang nagpapatong ng presyo sa mga masks.

Ayon sa US Food and Drug Administration, ang N95 ay kayang magbigay ng proteksyon laban sa 95 percent ng maliliit na 0.3 test particles.

Source :

Inquirer, GMA

Loading…