Pagbuti ng daloy ng trapiko sa EDSA inaasahang magsisimula ngayong taong 2020

  • Daloy ng trapiko sa EDSA inaasahang bubuti simula ngayong 2020
  • Ang Skyway Stage 3 ay inaasahang magbubukas sa buwan ng Abril at ang NLEX Harbor Link Segment 10 Extension Project ay sa buwan ng Marso matatapos
  • Sa susunod na taong 2021 naman ay inaasahang matatapos ang NLEX-SLEX Connetor Road Project na nakikitang makatutulong upang mas mabawasan pa ang mga sasakyan sa EDSA

Nakikita ni Secretary Mark Villar ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang taong 2020 ang turning point o ang panahon kung kailan magsisimula ang magandang pagbabago sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA.

Imahe mula sa Autocar

Simula ngayong taon, sinabi ni Sec. Villar na ang traffic congestion sa EDSA ay bubuti ng hanggang 30% dahil sa pagtatapos ng ilang expressway projects sa Metro Manila.

Anang kalihim, dalawang importanteng proyekto ang matatapos ngayong first quarter ng taon – ang Skyway Stage 3 project at ang North Luzon Expressway (NLEX) Harbor Link Segment 10 extension project – na magpapagaan sa mabigat na daloy ng trapikong nagpapahirap sa mga motoristang dumaraan sa EDSA.

“That’s a one-two punch for 2020,” ani Sec. Villar.

Ang Harbor Link Segment 10 extension project ay inaasahang matatapos sa buwan ng Marso, samantalang ang Skyway Stage 3 naman ay inaasahang magbubukas sa Abril.

“We are projecting the Skyway Stage 3 to relieve EDSA of over 100,000 cars. Harbor Link will decongest the highway of 30,000 vehicles, most of which are trucks. Trucks are equivalent to almost five cars,” sabi ni Sec. Villar.

Screenshot mula sa GMA video

Sa susunod na taong 2021 naman ay inaasahang matatapos ang NLEX-SLEX Connetor Road Project na nakikitang makatutulong upang mabawasan pa ng karagdagang 50,000 na sasakyan sa EDSA.

“More or less, if you estimate based on the number of vehicle traffic we are expecting from these projects, it should bring back EDSA to its original capacity. I would think that by 2020 if I had to estimate, 20 to 30 percent improvement. By 2021 it will reach maybe 40 percent improvement,” aniya.

Binanggit din ni Villar ang iba pang mga proyekto na inaasahang makatutulong sa pagbuti ng daloy ng trapiko sa EDSA. Ito ang Estrella-Pantaleon bridge na magkokonekta sa Makati at Mandaluyong at ang Bonifacio Global City-Ortigas Center Link Road Project.

Imahe mula sa SMC

Loading…