Yeng Constantino nakapagpiyansa na, PMA handang mamagitan sa dalawang panig

  • Inutos ng Regional Trial Court ng Surigao del Norte ang pagdakip kay Yeng Constantino
  • Ang order ay kaugnay ng reklamo ni Dr. Esterlina Tan laban sa singer
  • Philippine Medical Association gustong mamagitan upang magkaayos ang dalawang panig

Nakapagpiyansa na si Yeng Constantino sa kasong isinampa sa kanya ng isang doktora kaugnay ng kontrobersyal na vlog  ng singer tungkol sa diumano ay hindi agad pag-aasikaso ng huli sa kanyang asawa na naaksidente sa Siargao.

Imahe mula sa Facebook account ni Yeng Constantino

Ito ay sa kabila ng sinabi ng abogado ng singer na hindi pa nakakakuha ng kopya ng reklamo laban sa kanya ang singer. Haharapin umano nila ang kaso sa mga susunod na araw.

“Our client Ms Yeng Constantino-Asuncion, has posted bail and an Order approving the same has just been signed. We shall be addressing the charges in the coming days,” pahayag ni Atty. Joji Alonso.

Nang makarating sa kaalaman ng kanilang tanggapan ang kaso, nag-alok ang Philippine Medical Association(PMA) na mamagitan sa singer at sa member nilang si Dr. Esterlina Tan upang maayos ang sigalot sa pagitan ng dalawang kampo.

“The PMA has become aware that the unfortunate incident in Siargao involving Dr. Esterlina Tan and Madam Yeng Constantino has evolved into a court case. Be that as it may, the PMA is always open and offers its venue for a possible settlement between Dr. Tan and Madam Yeng Constantino,” sabi ni PMA spokesperson at chairman ng PMA Commission on Ethics na si Dr. Bu C. Castro.

Screenshot mula sa Rappler video

Matatandaan na noong buwan ng Hulyo ng nakaraang taon ay naglabas ng saloobin niya si Yeng Constantino kung saan dalawang ulit niyang pinangalanan ang doktor na diumano ay hindi kaagad naglabas ng infra-scanner upang malaman kung may internal bleeding sa ulo ang asawa. Inireklamo rin ng singer ang ilang pasilidad ng ospital.

Binatik0s ng maraming social media users si Yeng Constantino dahil sa diumano ay pamamahiya niya sa doktora. Agad namang humingi ng paumanhin ang “Hawak Kamay” singer nang mapagtanto ang maling nagawa.

Imahe mula sa Facebook account ni Yeng Constantino

Loading…