Pagfa-fangirl sa mga KPop Idols ng ilang incoming graduates, hindi hadlang sa kanilang pag-aaral

  • Kinagiliwan ang mala-star-studded graduation pictorial ng ilang mga magsisipagtapos sa SHS
  • Ibinida nila ang kanilang mga inspirasyon sa pag-aaral hawak ang mga larawan ng mga ito
  • Mula sa simpleng pagbabahagi ng kanilang mga inspirasyon ay na-inspire rin ang mga netizens sa kanila bilang mga estudyante

Bilang isang estudyante, mahalagang tungkulin ang mag-aral nang mabuti. Gaano man kahirap minsan ang mga aralin, pilit pa ring kakayanin  ng mga estudyante dahil bukod sa kanilang pagiging masipag ay humuhugot din sila ng inspirasyon sa mga bagay na nakapagpapasaya sa kanila.

Imahe mula sa Facebook account ni Cal Veign

Sa Facebook post ni Cal Veign, ibinida niya ang nakatutuwang graduation pictorial nilang magkaka-klase mula sa ABM 2A ng West Visayas State University – Senior High School kung saan ipinakita nila ang mga bagay na nagbibigay ng inspirasyon sa kanila na makapagtapos sa pag-aaral.

‘MAG-FAFANGIRL PERO GA-GRADUATE.’ THESE ARE THE PROOFS THAT BEING A FANGIRL IS NOT A HINDRANCE TO PURSUE/FULFILL THEIR DREAMS AND GOALS IN LIFE. CONGRATULATIONS TO ALL OF YOU, ESPECIALLY ARMY,” ayon sa caption ni Cal.

Sa mga larawang ibinahagi niya, makikita na ang isa sa mga pinagkukunan nila ng inspirasyon bukod sa kanilang mga pamilya at kaibigan ay ang kanilang mga iniidolong KPop boy bands, Korean actors, at maging British-Irish boy band.

Ilan sa mga sikat na sikat ngayong Kpop boy bands na ipinagmamalaki nilang naging bahagi ng masayang yugto ng kanilang pag-aaral ay ang BTS, EXO, GOT7, Wanna One, Stray Kids, iKON, at Monsta X. Ilan naman sa mga Korean actors na kanilang kinahuhumalingan ay sina Lee Min-ho, Nam Joo-hyuk, at Cha Eun-woo na isa ring idol mula sa grupong Astro.

Kung sa tingin ninyo ay tuluyan nang nilamon ng KPop ang karamihan sa mga kabataan ngayon, ang isa sa kanila ay patuloy pa ring sumusuporta at naghihintay sa muling pagbabalik ng British-Irish boy band na One Direction.

Ilan sa mga netizens ay natuwa lalo na sa naturang larawan dahil hindi siya nawawalan ng pag-asa na muling mapanood ang mga ito.

Imahe mula sa Facebook account ni Cal Veign

Sila ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga estudyanteng nagpapatunay na kailan man ay hindi magiging hadlang ang kanilang pag-iidolo sa mga celebrity at singers.

Dahil sa pagbabahagi ng kanilang mga inspirasyon sa kanilang pag-aaral, marami ring netizens ang na-inspire mismo sa kanila bilang mga estudyante at nais silang tularan.

Tandaan na hindi masama ang humugot ng inspirasyon sa iba hangga’t hindi ito nagiging sagabal sa iyong mga tungkulin at responsibilidad sa buhay.

Imahe mula sa Facebook account ni Cal Veign

Loading…