Pagkonsumo ng karne ng paniki mapanganib sa kalusugan – Biologist

  • Pagkonsumo ng bat meat posibleng makasama sa kalusugan
  • Isang wildlife biologist ang nagbabala na maaaring mailipat sa tao ang virus at bacteria na dala ng paniki
  • Nagbabala rin ang DOH laban sa pagkain ng mga exotic food

Maraming tao sa iba’t ibang lugar, kabilang na sa Pilipinas, ang kumakain ng karne ng paniki. Para sa iba itinuturing itong isang napakasarap na pagkain o delicacy lalo na para sa mga taong mahilig sa exotic food, subalit mayroon namang kumakain nito upang matugunan lang ang pagkalam ng kanilang sikmura.

SCreenshot mulasa video ng Born to be Wild

Isang eksperto ang nagbabala na delikado sa kalusugan ng tao ang pagkain ng bat meat.

Ayon kay Lisa Paguntalan, isang wildlife biologist, hindi advisable na kumain ng paniki dahil may dala silang mga virus at bacteria na makasasama sa tao. Aniya, sa paniki unang nanggaling ang virus na nagdulot ng severe acute respiratory syndrome o SARS.

Ang mga virus na dala ng mga paniki ay posibleng ikapahamak ng tao kapag nalipat iyon sa kanila.

“Ang epekto ng pagkain natin ng wildlife, kasama doon sa paniki, posible itong makapagdulot ng sakit sa tao. Kasi ang paniki, mammals sila at mammals din tayo. May dala silang viruses at bacteria, pwedeng maging masama para sa tao, kabilang na doon ang SARS,” ani Paguntalan.

Maging ang Department of Health (DOH) ay nagbabala sa publiko na mag-ingat sa kanilang kinakain, lalo na sa mga exotic foods.

Screenshot mula sa video ng Born to be Wild

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, ang kumakalat ngayong 2019-nCOV sa China ay nanggaling daw sa paniki at ahas. Una umanong lumitaw ang nCoV sa isang food market sa Wuhan, China kung saan makabibili ng mga exotic wildlife na iniluluto.

Bagaman at wala pang kumpirmasyon sa mga nasabing report, mabuti na raw na mag-ingat ang mga tao sa kanilang kinakain.

Loading…