Pakain ng mga estudyante sa mga panelista ng kanilang research paper, kinaaliwan

  • Ikinaaliw ng mga netizens ang ibinahaging larawan ng isang mag–aaral na sasailalim sa oral defense ng kanilang research paper
  • May caption itong “Wala na, ubos na pera namin sa research eh”
  • Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens

Isa sa mga mahahalagang requirements sa paaralan, partikular sa kolehiyo ang pagsasagawa at pagpapasa ng research paper o papel–pananaliksik. Ito ang isa sa mga “nagpasakit sa ulo” ng mga nagnanais na makapagtapos sa kolehiyo, o maging sa mga propesyunal na nais makapagtapos naman ng post–graduate studies. Ilan sa mga halimbawa ng iniiwasang research paper ang thesis at dissertation.

Kaya naman, ikinaaliw ng mga netizens ang ibinahaging larawan ng nagngangalang “Rogelio Auguis” sa pakain nila ng kaniyang mga kagrupo sa mga panelista para sa kanilang oral defense ng kanilang research paper presentation.

Makikita sa Facebook post na bottled water at mumurahing biskwit na lamang kasi ang naihanda nila para sa mga panelistang huhusga at magbibigay ng puna sa kanilang output. May caption itong “Wala na, ubos na pera namin sa research eh.”

Imahe mula sa Facebook account ni Rogelio Auguis

Marahil, ginawa ito ng mga mag–aaral upang kahit paano’y mawala ang kaba at tensyong kanilang nararamdaman sa presentasyon ng kanilang oral defense, na hindi naman talaga madaling gawin. Umani naman ito ng mga komento mula sa mga netizens.

Sabi ng isa, “Go kuya! Kaya ninyo iyan. Malalagpasan din ninyo iyan.”

“Why are we obliged to give food though? Ginusto nila iyan eh, kung ano ang ihain, eh di kainin! Hahaha,” biro naman ng isa.

Kuwento naman ng isa, “Pera lang pala ang naubos sa inyo. Kami, utak at pasensya. Naalala ko pa noon, nagsuntukan pa kami ng isa kong kamiyembro sa thesis kasi wala man lang siyang itinulong sa proseso ng data gathering namin. Noong oral defense, absent siya. Kaya nanggigil ako sa kaniya, kasi tinanggal namin siya sa grupo, kaya wala siyang grade.”

Talaga namang nakauubos ng pera, oras, panahon, at maging enerhiya ang paggawa ng research paper, kaya kinakailangang handa sa lahat ng aspeto ang sinumang mag–aaral na magsasagawa nito.

Public Domain Image
Source :

Facebook

Loading…