Pakikipagsayaw ni Manny Pacquiao sa mga anak, nag-trending sa social media

  • Manny Pacquiao nakipagbonding sa mga anak na sina Michael, Mary Divine at Queen Elizabeth
  • Sumayaw ang mag-aama sa saliw ng kantang “One Wish”
  • Trending sa social media ang video ng pagsayaw ng mag-aama

Tanyag si Manny Pacquiao bilang boxing champion, politiko, aktor, singer, pastor, basketbolista at pilantropo, subalit hindi sa pagsasayaw.

Screenshot mula sa video ni Manny Pacquiao

Sa isang viral video na ibinahagi ng Pambansang Kamao sa kanyang Instagram account, makikita si Manny na masayang nakipagsabayan ng pag-indak sa saliw ng kantang “One Wish” na pinasikat ng American rapper-singer na si Ray J.

Makikita sa video ang pagsayaw ng fighting senator kasama ang tatlo sa mga anak nila ni Jinkee na sina Michael, Mary Divine at Queen Elizabeth.

“The things we do for our kids,” caption ni Manny sa kanyang post.

Umani na ang video ng mahigit, 1,200,000 views sa Instagram page ni Pacman at mahigit kalahating milyong views naman sa Facebook account niya.

Todo suporta naman ang mga followers niya sa kanilang mga komento sa ginawang pakikipag-bonding ni Manny sa mga anak.

Screenshot mula sa video ni Manny Pacquiao

“Enjoy ang have fun, time passes too quick. I have 6 girls and 3 boys, and how I wish they were small again. One good thing is that my wife and I were never in a hurry in wanting our kids to grow up quickly. God Bless you and the family.”

“Having fun is always the idea. Even if it means being silly and just letting go of our inhibitions. The best thing we can do for our kids is to let them know who we are.”

“Napakasarap makita na matapos lahat ng hirap na pinagdaanan, pagtitiis at hindi pagsuko sa hamon ng buhay, ngayon ay naeenjoy niya ang ginhawa kasama angkanyang pamilya. This guy is a true legend.”

Nag-iwan naman ng “heart emoji” sa comment section sa post ni Manny si World Boxing Association heavyweight champion Manuel Charr.

Samantala, i-click lamang ang larawan para mapanood ang kanilang video:

iclick ang imahe para sa video ni Manny Pacquiao

Loading…