Pampa-good vibes: Manny, Jinkee tinuruan ng 2 anak na babae kung paano maging “cool”

  • Mag-asawang Manny at Jinkee, kasama ang dalawang anak na babae, naghatid ng good vibes sa social media
  • “Our daughters teaching us to be cool,” caption ni Pacquiao sa video
  • Sumayaw ang pamilya sa saliw ng kantang “The Weekend (Funk Wav Remix)” ni Sza & Calvin Harris

Muli na namang nagbigay ng good vibes sa netizens ang pamilya ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa pinakabagong video na ibinahagi niya sa kanyang mga social media accounts.

Screenshot mula sa video ni Manny Pacquiao

Sa naturang video ay makikitang kasabay na nagsasayaw ni Manny at asawang si Jinkee ang dalawa nilang anak na babae na sina  Mary Divine Grace at Queen Elizabeth sa saliw ng kantang “The Weekend (Funk Wav Remix)” nina SZA & Calvin Harris.

“Our daughters teaching us to be cool,” post ni Manny sa kanyang Instagram at Facebook accounts noong Biyernes, ika-24 ng Enero.

Halos isang milyon na ang pinagsamang views sa dalawang social media accounts ni Manny ang video na labis na ikinatuwa ng marami niyang followers at tagahanga na nag-iwan ng mga positibong komento sa bonding ng pamilya.

“Without this dance. You’re already cool Manny. Thank you for being an inspiration to many Filipinos.”

“So, inspiring..thank you idol and family. From Melbourne.”

“Now this is something other “Superstars” doesn’t have. God has blessed this guy for his goodness and faith.”

 “Yes Miss Jinkee got the best move, so cute to see like this, bonding with your two beautiful princess.”

I-click ang larawan para mapanood ang video:

Our daughters teaching us how to be cool. ?

Posted by Manny Pacquiao on Friday, January 24, 2020

Two weeks ago ay nag-trending din sa social media ang pakikipagsabayan ni Manny sa sayaw sa tatlo niyang anak.

“The things we do for our kids,” ang caption niya sa naunang video na napanood ng milyun-milyong tagahanga ng kanyang pamilya.

Narito ang naunang video ng pakikipag-bonding ni Manny sa mga anak. I-click ang larawan para mapanood ang video.

 

View this post on Instagram

 

The things we do for our kids. ?

A post shared by Manny Pacquiao (@mannypacquiao) on

Loading…