Pamunuan ng SM Supermalls, pinabulaanan ang balitang guguho ang Mall of Asia bunsod ng pag-alburoto ng Bulkang Taal

  • Ligtas pa ring mamasyal sa SM Mall of Asia
  • Iyan ang pahayag ng pamunuan laban sa mga kumakalat na pekeng balita sa social media
  • Nagpalabas naman ng public service advisory ang SM Supermalls na kanselado muna ang kanilang overnight parking fee para sa mga motoristang maaapektuhan ng volcanic activities

Pinabulaanan ng pamunuan ng SM Supermalls ang kumakalat na pekeng balita sa mga social media na posibleng gumuho ang isa sa mga sikat at pinakamalaki nilang branch na “Mall of Asia” sa Pasay, bunsod na rin ng pag–aalburuto ng Bulkang Taal sa Batangas na nagdudulot ng manaka–nakang pagyanig sa ilang karatig–bayan.

Ayon sa dalawang opisyal na pahayag ng pamunuan sa kanilang official Facebook page, matibay umano ang pagkakabuo sa Mall of Asia o tinatawag na MOA kaya walang dapat ipangamba ang mga mall goers sa pagtungo at pamamasyal dito.

Imahe mula sa official Facebook page ng SM Supermalls

Batay sa kanilang unang Facebook post noong Linggo, Enero 12, 2020, “There is no truth to the information circulating on Social Media that the foundation of the Mall of Asia Complex has been compromised. Moreover, Senior Management has not called for any meetings with Engineering on the said matter. The Mall of Asia Complex is on normal operations.”

Pagkatapos nito, muli silang naglabas ng ikalawang Facebook post nitong Lunes, Enero 13, 2020. “The foundation of the SM Mall of Asia Complex is built on concrete piles that reach the bedrock and will withstand extreme situations. The statement where water will make the building collapse is patently false,” ayon sa kanilang paliwanag.

Dagdag pa nila, “We also have rigorous annual checks to ensure the safety of the buildings so at no time will the safety of our customers, tenants and employees be compromised.”

Nagkomento naman ang mga netizens hinggil dito. Ayon sa isa, “Maging alerto pa rin tayo dahil ang kinatatayuan mismo ng MOA or maging Senate building ay dating dagat, iyon ay tinambakan lang noong panahon ni Pangulong Ramos kaya pwedeng mangyari ang babala.”

“Walang masama kung mag–iingat. Kung ganitong may kalamidad, hangga’t maaari at wala rin namang pupuntahang mahalaga, mas mainam na nasa bahay lamang kasama ang pamilya. We can never tell,” saad naman ng isa.

Public Domain Image

Samantala, nagpalabas naman ng public service advisory ang SM Supermalls na kanselado muna ang kanilang overnight parking fee para sa mga motoristang maaapektuhan ng volcanic activities tulad ng pagyanig, pagsabog, o ashfall.

Ipanalangin natin na maging maayos na ang lahat!

Loading…