Pang. Duterte inatasan ang AFP na maghanda sa posibleng paglikas ng mga Pinoy mula sa Middle East

  • Mga Pilipino planong ilikas mula sa Middle East
  • Inatasan ni Pangulong Duterte ang AFP na maghanda sa paglikas ng mga Pinoy sakaling sumiklab ang krisis sa pagitan ng Estados Unidos at Iran
  • Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nakahanda ang AFP sa planong paglilikas ng mga Pinoy mula sa Middle East

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na maging handa anumang oras na kailanganing ilikas ang mga Pilipinong nasa Middle East, partikular na ang mga nasa Iraq at Iran.

Imahe mula kay Sen. Bong Go

Sa isinagawang emergency meeting noong Linggo, ika-5 ng Enero,, inatasan ng Pangulo ang militar na ihanda ang mga eroplano at barko para sa posibleng paglikas ng mga Pilipino sa Middle East sakaling lumala ang tensiyon na namamagitan sa Estados Unidos at Iran.

Sinabi ni National Defense Spokesperson Arsenio Andolong na pinulong ni Pangulong Duterte si Defense Secretary Delfin Lorenzana at mga opisyal ng military at pulisya upang pag-usapan ang mga nangyayaring kaganapan sa Middle East.

“The sole agenda was how to ensure the safety of our countrymen in the Middle East especially those in Iraq and Iran as the tension between the US and Iran rises,” sabi ni Andolong.

Aniya, nasa 1,600 ang mga Pilipino sa Iran at sa 6,000 naman sa Iraq.

Kasama rin sa nasabing pulong si Senator Christopher “Bong” Go.

“Hindi na makaantay ang Pangulo na sa Martes pa pag-usapan sa Command Conference ang sitwasyon sa Middle East kung kaya siya nagpatawag ng emergency meeting ngayon. Mabuti na prepared tayo mag-repatriate ng ating mga kababayan if necessary. Iyan ang prayoridad ng Pangulo,” anang senador.

Imahe mula kay Sen. Bong Go

Tiniyak naman ni Sec. Lorenzana na handang-handa ang mga air at naval assets ng AFP na ilikas ang mga Pinoy sa Iran at Iraq, na ang karamihan ay mga overseas Filipino workers, sakaling sumiklab ang krisis doon.

Tinatayang nasa 1.2 million ang mga Filipino workers na nasa Middle East, ngunit bibigyan ng prayoridad sa planong paglikas ang mga naninirahan sa Iran at Iraq.

Source :

Philstar, ABS-CBN

Loading…