Pang. Duterte, ipinag-utos ang paglikas ng mga naapektuhan ng Taal

Imahe mula sa Tagaytay CDRRMO
  • Nakataas na sa Alert Level 4 ang Taal Volcano matapos ang pagsab0g nito Linggo ng tanghali
  • Dahil dito, ipinag-utos ni Pang. Duterte na siguraduhin ng mga awtoridad ang kaligtasan ng mga residente doon
  • Suspendido na rin ang pasok sa CALABARZON, Metro Manila, at Region III

Ipinag-utos ni Pang. Rodrigo Duterte sa mga awtoridad na tiyakin ang kaligtasan ng mga apektado ng pagsab0g ng Bulkang Taal nitong Linggo ng tanghali, ika-12 ng Enero.

Imahe mula sa PCOO

Ito ay matapos itaas ng Phivolcs ang Alert Level 3 sa Taal. Sa kasalukuyan ay nasa Alert Level 4 na ito na nangangahulugang  posibleng mangyari ang hazardous expl0sive erupti0n sa loob ng ilang oras o araw.

“President Rodrigo Roa Duterte has already given instructions to undertake measures necessary to place the people within the perimeter of Taal out of the danger zone,” pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Ang Phivolcs, inirekomenda na ang paglikas ng mga residente malapit sa Taal. “DOST-Phivolcs strongly reiterates total evacuation of Taal Volcano Island and additional evacuation of areas at high risk to pyroclastic density currents and volcanic tsunami within a 14-kilometer radius from Taal Main Crater,” sabi nila.

Imahe mula sa Tagaytay CDRRMO

Nakikipag-ugnayan na raw ang Pangulo sa mga ahensya ng gobyerno na nangangasiwa sa paglikas ng mga residenteng apektado. Dagdag ni Panelo, mahigpit din ang pagmo-monitor ni Pang. Duterte sa kalagayan sa Taal at mga apektadong probinsya. Ramdam na rin kasi ang ashfall sa ibang mga lugar.

Dahil dito, sinuspinde na ng Malacañang ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan gayundin ang pasok ng nga nagtatrabaho sa gobyerno sa CALABARZON, Metro Manila, at Region III. Umapela rin sila sa pribadong sektor na isuspinde na ang pasok para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga empleyado.

Samantala, ang Department of Health naman ay nagpaalala sa publiko na iwasan muna ang lumabas sa kanilang mga tahanan ngunit kung hindi raw ito maiiwasan ay wag kalilimutang magsuot ng N95 mask.

Loading…