Pang. Duterte, nakapagtala ng bagong record-high satisfaction rating — SWS survey

Imahe mula sa PCOO
  • Nakakuha ng bagong record-high na satisfaction rating si Pang. Rodrigo Duterte sa December 2019 Social Weather Stations (SWS) survey.
  • Nakapagtala siya ng +72 percent o excellent na net satisfaction rating
  • 82 percent sa mga adult na Pilipino ang nagsabing satisfied sila sa pamumuno niya at 10 percent naman ang hindi raw satisfied

Nakapagtala ng bagong record-high na satisfaction rating si Pang. Rodrigo Duterte sa Fourth Quarter 2019 Social Weather Stations (SWS) survey.

Imahe mula sa PCOO

Ayon sa SWS, noong December 2019, excellent ang net satisfaction rating ni Pang. Duterte na +72, kung saan 82 percent na mga adult na Pilipino ang nagsabing satisfied sila sa pamumuno ng pangulo habang 10 percent naman ang nagsabing hindi sila satisfied.

Mas mataas ito ng pitong puntos kumpara sa +65 (very good) na rating sa kaniya noong September 2019. Nahigitan niya rin ang noon ay record-high niya na +68 (very good) noong June 2019.

Samantala, nalaman din ng SWS na 52 percent ng mga adult na Pilipino ang naniniwalang gagawin niya ang lahat o halos lahat at karamihan ng kaniyang mga ipinangako.

Tinanong ng SWS ang kanilang respondents kung “Sa inyong palagay, ilan sa mga pangako ni Pang. Rody Duterte ang posibleng matutupad? [Lahat o halos lahat sa mga pangako, Karamihan sa mga pangako, Mga ilan sa mga pangako, Halos wala o wala sa mga pangako].”

Sixteen percent ang nagsabing lahat o halos lahat, 36 percent ang sumagot na karamihan, 42 percent ang naniniwalang ilan sa mga pangako, habang 5 percent naman ang nagsabing halos wala o wala.

Mas mataas ito sa 48 percent (13 percent lahat o halos lahat at 35 percent karamihan) na naniniwalang tutuparin niya ang kaniyang mga pangako noong December 2018.

September 2017, isang taon mula nang maupo siya bilang pangulo, nang maitala niya ang record-low niyang 35 percent. Unti unti naman siyang nakabawi at nakakuha ng 46 percent noong March 2018, 48 percent noong December 2018, at 52 percent noong December 2019.

Imahe mula sa PCOO

Ang pagtaas daw ng net satisfaction ni Pang. Duterte mula September 2019 hanggang December 2019 ay dahil sa pagtaas ng rating niya sa Balance Luzon, Visayas, at Mindanao at pananatili ng marka niya sa Metro Manila.

“Pres. Duterte’s net satisfaction rating stayed very good in Balance Luzon, at a new record +66 in December 2019. It stayed excellent in Mindanao, at +81 in December, up by 5 points from +76 in September,” ayon sa SWS.

“It stayed excellent in the Visayas, at a new record +79 in December, up by 4 points from the previous record +75 in September. It stayed at the record very good +66 in Metro Manila from September 2019 to December 2019.”

Source :

SWS

Loading…