Pangingibang bansa ng Pinoy workers mapipigilan kapag itinaas sa P650 ang minimum wage – Mambabatas

  • Mas mataas na minimum daily wage solusyon umano para mapigilan ang pangingibang bayan ng mga Pinoy workers
  • Ipinanukala ni Rep. Ron Salo na gawing P650 ang pinakamababang arawang sahod sa Metro Manila man o sa malalayong lalawigan
  • Noong 17th Congress ay ipinanukala ni Rep. Salo na gawing P600 ang minimum daily wage at itinaas niya ito sa P650 ngayong 18th Congress

Isinusulong ng isang mambabatas na itaas sa P650 ang minimum daily wage ng mga manggagawa sa lahat ng rehiyon ng bansa.

Imahe mula sa Blas F. Ople Policy Center

Iginiit ni Kabayan Partylist Representative Ron Salo na ang panukala niyang P650 across the board minimum daily wage ay isang solusyon upang hindi na maingganyong mangibang-bayan ang mga Pilipinong manggagawa upang maghanapbuhay.

Ang panukala ay ginawa ng mambabatas kasunod ng utos ng pamahalaan na pagpapauwi sa libo-libong mga overseas Filipino workers mula sa Middle East sanhi ng tensyon sa pagitan ng mga bansang Iran at Estados Unidos.

Ang pagtataas umano ng arawang sahod para sa lahat ng mga manggagawa ang tanging paraan na maaaring gawin ng pamahalaan upang matugunan ng bawat pamilyang Pilipino ang mga pang-araw-araw nilang pangangailangan.

Ang hindi pantay-pantay na sahod ng mga manggagawa sa bawat rehiyon ng bansa ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming Pilipino ang nagnanais na mangibang bansa kung saan sila binibigyan ng mas mataas na suweldo, ayon sa mambabatas.

Nagtataka umano si Rep. Salo kung bakit ang mga manggagawa sa pribadong sektor ay iba-iba ang sinasahod depende sa kung saan silang lugar nakatalaga kahit na pareho lang ang kanilang mga trabaho, habang ang mga kawani ng gobyerno ay pare-pareho ang sahod maging sila man ay nasa Metro Manila o nasa malalayong lalawigan.

Imahe mula sa iMoney

“What makes the difference in the pay among our government employees is the degree of responsibility and functions assigned to the employee, and not the place of assignment. And yet, for our workers in the private sector, their minimum wages are simply determined by the place or area where they work,”aniya.

Noong 17th Congress ay ipinanukala ni Rep. Salo na gawing P600 ang minimum daily wage para sa lahat ng mga Pinoy workers, ngunit ngayong 18th Congress ay itinaas niya ang panukala sa P650 a day na minimum wage.

Imahe mula sa Kabayan Partylist
Source :

Abante, SMNI

Loading…