Pangulong Duterte, naispatang nag–aalmusal sa isang karinderya sa Davao City

  • Kumain sa isang simpleng karinderya si Pangulong Duterte sa Davao City
  • Ibinahagi ito ni Senador Bong Go na kilalang “sidekick” ng pangulo
  • Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens

Naispatang kumakain ng almusal si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang simpleng karinderya sa Davao City nitong Enero 25, 2020 ng umaga, na ibinahagi ni Senador Bong Go via isang netizen na nagngangalang Joseph Morong.

Makikita sa Facebook post ni Senador Go na maganang kumakain ang pangulo ng mga tipikal na pagkaing pang–almusal. Limang putahe ang makikitang nilalantakan ng pangulo, at wala siyang ibang kasalo, na para bang sinasabi niyang ito ang kaniyan “Me time”.

Ayon sa caption, “Kung Hei Fat Choi!! Happy New Year!! Maagang nag–almusal kanina si Tatay Digong. Gi mingaw sya og kaon sa karinderya.”

Imahe mula sa Facebook account ni Senador Bong Go

Nagbigay naman ng reaksyon at komento ang mga netizens sa mga larawang ito. Sabi ng isa, “So natural. No hypocrisy noted. Ginagaya pa siya ng ibang epal. Pero huli na sila kasi mas natural si PRRD. God bless you po.”

“Astig! Where in the world can you find a head of state that is sooo simple? Only in the Philippines, folks! Eating in a carinderia or mingling with ordinary citizens doesn’t make him less, he’s still the President of the Philippines. I’ve never seen any president who’s as humble as him,” turan naman ng isa.

“Look, the carinderia has no customer except himself and a PSG eating at the next table. Some PSG’s are just standing trying to keep him safe. Halata naman na showmanship lang,” banat naman ng isa.

Komento naman ng isa, The President won’t care whether you like him or not, the only thing he cared for, is for us to be disciplined enough for the betterment of this country! Whether the scene is planned or not, I still believe him 100%. Whether you like it or not, he is the best so far!”

Imahe mula sa Facebook account ni Senador Bong Go

Bago pa man naging pangulo si Digong, nauna nang sinabi noon ni Senador Go na mahilig kumain sa mga karinderya ang pangulo, dahil simple lamang daw ang pamumuhay nito.

Loading…