Pastor Quiboloy namahagi ng mga relief goods, nanalangin na huminto ang pag-aalburoto ng Taal

  • Pastor Quiboloy, nagdasal na tumigil ang pag-aalburoto ng Taal
  • Sabi ng pastor, ang kalamidad na nangyari ay isang paalala na tayo ay mangagsisi
  • Bukod sa panalangin, namahagi si Pastor Quiboloy ng napakaraming pagkain, tubig at kumot

Isang araw matapos magbuga ng napakaraming abo ang Taal Volcano, ipinanalangin umano ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, Inc. na sana ay tumigil na ang bulkan sa pag-aalburoto.

Screenshot mula sa video ng SMNI

Sa isang video mula sa programang “Ito ang Buhay” na may petsang January 13, 2020, umusal ng maikling panalangin si Pastor Quiboloy upang hilingin sa Diyos na huminto ang pagputok ng Taal.

Aniya, ang nangyayari ay isang paalala upang tayo ay mangagsisi, lumapit sa Kanya at sundin ang Kanyang mga sinabi…pagsisising makapagpapalambot sa puso ng ating Dakilang Ama upang ang mga diumano’y “pocket, sub-judgment” na nangyayari ay hindi na magpatuloy o hindi na maganap.

Subalit, dahil nagaganap na raw ang kalamidad, isa umano itong paalala sa ating lahat na tayo ay manalangin hindi lang sa tuwing may sakuna kundi sa lahat ng oras ng ating buhay. Hindi lang dapat kilalanin ang Kanyang pangalan kundi dapat rin umanong sundin ang Kanyang mga salita.

Bilang “Appointed Son of God,” hiniling ni Pastor Quiboloy na huminto ang pag-aalburoto ng Taal upang hindi na ito makapagdulot ng dagdag na pinsala.

Screenshot mula sa video ng SMNI

“Ini-invoke ko po ang kapangyarihan ng Dakilang Ama, sa pamamagitan ng Kanyang hinirang na anak na maging sapat na ang sakunang ito na nangyayari sa mga kababayan natin na sana ay mamulat na silang lahat sa katotohanang hindi lamang dapat tawagin Siya sa mga panahon ng sakuna kundi sa lahat ng panahon ng ating buhay na sundin natin ang Kanyang dakilang kalooban,” anang pastor.

“Hinihiling ko po sa pamamagitan ng Dakilang Ama na i-stop o pahintuin na ang pagputok ng bulkang ito upang hindi na siya makapanalasa at makapanira pa,” dalangin pa ni Pastor Quiboloy.

Bukod sa panalangin na huminto ang pag-aalburoto ng Taal, nagsagawa rin ng relief operation ang pastor.

Makikita sa mga larawang ibinahagi sa kanyang social media account na namahagi sila ng napakaraming pagkain, tubig at mga kumot.

Imahe mula sa Facebook page ni Pastor Apollo C. Quiboloy
Source :

YouTube, Facebook

Loading…