PH Senator ‘Bato’ Dela Rosa, ‘sumama ang loob’ dahil sa pagkansela ng Amerika sa kaniyang US visa

  • Hindi ikinatuwa ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang balitang kinansela ng Amerika ang kaniyang US visa
  • Nalaman umano ng senador ang balita isang araw bago ang selebrasyon ng kaniyang ika-58 na kaaarawan
  • Sinabi naman ni Dela Rosa na susubukan niya muling mag-apply ng US visa kung sakaling padaluhin siya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Association of Southeast Asian Nations summit na gaganapin sa Las Vegas sa darating na Marso

Aminado si Philippine Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na hindi niya ikinatuwa ang pagkansela ng Amerika sa kaniyang US visa.

Imahe mula sa Facebook video ng ABS-CBN News

Ayon sa ulat ng Inquirer noong January 22, nalaman umano ni Dela Rosa ang balita isang araw bago ang selebrasyon ng kaniyang ika-58 na kaarawan.

“I sent an official letter to the US embassy inquiring from them if really my visa was canceled. So I received their official answer the day before my birthday, January 20. What a good birthday gift— informing me that my visa is no longer valid for travel to the United states,” kuwento ni Dela Rosa sa mga mamamahayag.

Bagama’t hindi sinabi ng US ang tunay na dahilan ng pagkansela ng kaniyang visa,  sinabi naman ng senador na hindi na niya ikinagulat ang ginawa ng US dahil na rin sa naging papel niya noon bilang pinuno ng Philippine National P0lice (PNP) sa kampanya ng kasalukyang administrasyon laban sa dr0ga.

Sa video naman ng ABS-CBN, sinabi ni Dela Rosa ang kaniyang naramdaman matapos malaman ang naging desisyon ng Amerika tungkol sa kaniyang US visa.

“Kung sama ng loob e tao lang tayo, talagang sasama ang loob,” sabi nito.

I-click ang imahe para mapanood ang video

Dagdag pa niya, “I’ve been helping my counterparts from the US government, particularly their enforcement—the FBI [Federal Bureau of Investigation], the CIA [Central Intelligence Agency], and other agencies ng US. We’ve been working together, ngayon after that ganito, tanggalin nila. It’s quite bad.”

Ipinahayag naman ni Dela Rosa na bukas pa rin siya sa muling pag-aapply ng US visa, lalo na kung iimbitahan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na dumalo sa Southeast Asian Nations summit na gaganapin sa Las Vegas sa darating na Marso.

Loading…