Picture-perfect! Sweet couple, nakunan ng larawan sa tabi ng kaakit-akit na Mt. Mayon

  • Picture-perfect na maituturing ang larawan ng couple sa tabi ng Mayon v0lcano
  • Kapansin-pansin ang sweet gestures ng dalawa habang sila ay ‘nagde-date’ kung saan may view ng kaakit-akit na bulkan
  • Marami naman ang natuwa sa larawan kaya agad itong nag-viral sa social media

Itinuturing na isa sa pinakamagagandang tanawin sa Pilipinas ang Mayon v0lcano.

Imahe mula sa Facebook page na Proud To Be Albayano | Kuha ni Jeff Senatorre

Maihahalintulad ito sa Mt. Fuji na matatagpuan sa Japan dahil sa kahanga-hangang proporsyon nito at perpektong hugis apa na hindi kadalasang nakikita sa mga aktibong bulkan sa mundo.

Sa Facebook, mas namangha naman ang netizens sa ganda ng Mt. Mayon dahil sa sweet couple na nakunang nagde-date sa tabi nito.

Ibinahagi ito sa social media ng Facebook page na Proud To Be Albayano noong January 18. Ayon sa post, kuha ang mga larawan ni Jeff Senatorre habang minamasdan nito ang bulkan.

“Akala ko nung una ay mag-isa lang si Nanay habang minamasdan ang Mount Mayon,” ayon sa orihinal na post ni Jeff sa kaniyang Instagram.

“Swipe to see Tatay. Lucky to witness this sweet couple,” dagdag nito sa caption.

Sa una ay aakalaing mag-isa ang ginang na namamahinga sa tabi habang mayroong view ng Mt. Mayon. Sa sunod na litrato naman ay makikita na kasama na nito ang kaniyang asawa na tinutulungan niyang punasan ang basang likod.

Simple man ang mga eksenang ito para sa iba, mas marami naman ang natuwa dahil sa kabila ng edad ng couple ay nagagawa pa rin nilang mag-date at mag-enjoy kasama ang isa’t isa.

Marami ring netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkatuwa sa larawan. Mayroon ding napasabi ng “sana all” dahil sa larawan ng sweet couple na nakunan ni Jeff.

“Ang sweet! Sana all,” ani KMMG matapos makita ang litrato sa social media.

I-click ang imahe para makita ang orihinal na post

“Sana ganiyan din tayo,” sabi naman ni MMB sa comment section matapos i-tag ang kaniyang minamahal.

“Ganda ng bulkan parang iginuhit,” sabi naman ni JBL na hindi napigilang mamangha sa tanawin na mayroon ang Bulkang Mayon.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 4,000 likes ang mga larawan sa Facebook matapos itong ibahagi ng Facebook page na Proud To Be Albayano.

Loading…