Pilipinas, isa sa ‘worst countries to live’ para sa minimum wage earners’ ayon sa ulat

Imahe mula sa Unsplash | Frank Lloyd de la Cruz
  • Ang Pilipinas ang isa sa mga ‘worst countries to live for minimum wage earners’ ayon sa isang ulat
  • Sa 54 na mga bansa na kabilang sa pag-aaral, pang 17 ang Pilipinas sa may pinakamalaking pagtaas ng minimum wage
  • Kaya lamang, mataas din daw ang presyo ng mga bilihin kaya nagagamit ang 75.1 percent ng kanilang usweldo sa pangunahing pangangailangan

Kabilang ang Pilipinas sa “worst countries to live for minimum wage earners,” ayon sa ulat na inilabas kamakailan ng Picodi, isang e-commerce firm.

Imahe mula sa Picodi

Ika-17 daw ang Pilipinas sa 54 na mga bansa na kabilang sa kanilang report base sa pagtaas ng minimum wage year-on-year. Ngayong January 2020, ang monthly net pay na natatanggap ng mga minimum wage earners ay P5,922, mas mataas ng 10.2 percent sa P5,376 na sinusuweldo nila sa parehong buwan noong nakaraang taon.

“In comparison, the minimum wage increased by 9.1 per cent in Malaysia, 8.7 per cent in Hong Kong, and 1.6 per cent in Thailand,” sabi ng Picodi sa kanilang ulat. “By definition, the minimum wage should protect employees against unduly low earnings.”

Nalaman din ng Picodi na 75.1 percent ng net pay ng mga empleyado ay napupunta lamang sa basic shopping basket na naglalaman ng bigas, gulay, prutas, itlog, tinapay, at iba pang mga pangunahing pangangailangan. “It means that in the Philippines, the increase in wages outran the increase in prices,” sabi nila.

Imahe mula sa Picodi

Pinakamaganda raw ang ratio ng presyo ng mga pangunahing bilihin at suweldo sa Australia, United Kingdom, at Ireland dahil 7 percent lang ng kanilang buwanang sahod ang napupunta sa food products. Ika-52 naman ang Pilipinas dito.

“In some countries, like Nigeria or Uzbekistan, the minimum wage is so low that it does not cover the costs of even the most basic shopping basket,” sabi pa ng Picodi.

Sang-ayon ba kayo sa ulat na ito ng Picodi?

Loading…