Piolo Pascual ipinagmalaki ang kaniyang mga uban; hindi nakabawas sa kagwapuhan

  • Gwapong–gwapo pa rin ang aktor na si Piolo Pascual kahit na litaw na ang kaniyang mga uban
  • Ipinakita niya ito sa isang Facebook post noong Disyembre 30, 2019
  • Aminado ang aktor na inspirasyon niya sa bagong look si George Clooney

Kapag sinabing “heartthr0b”, hindi mawawala sa mahabang listahan ang patuloy na tinitilian at kinakikiligang si Piolo Pascual. Isa na yata siya sa mga nakatuklas ng “fountain of youth” dahil habang nagkakaedad ay lalo siyang nagmumukhang bata; idagdag pa na malaki na rin ang kaniyang kaisa–isang anak na si Iñigo Pascual, na gumawa na rin ng sariling pangalan sa music industry.

Halos lahat na yata ng haba ng buhok ay sinubukan na ni Papa P. Magmula sa maiksi hanggang sa mahaba, talaga namang bumagay sa kaniya.

Sa muli niyang pag–iiba ng estilo ng buhok, ipinakita na niya ang kaniyang mga uban o puting buhok na bumagay naman sa kaniya.

Batay sa Facebook post ng aktor noong Disyembre 30, 2019,  “PUTING BUHOK to cap the end of the decade…”

Imahe mula sa Facebook account ni Piolo Pascual

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens. May mga naghambing sa kaniya kay Hollywood actor George Clooney. Sabi ng isa, “Kalook–a–like niya si George Clooney dami na rin uban, ganoon talaga Papa P kapag above 30 na ang edad, kita na ang sign of aging hehehe, importante malusog and looking young.”

“It’s not really the ‘white hair’ that we see, Piolo. It’s still your overwhelmingly good looks. So, what white hair are you talking about?”, reaksyon naman ng isa.

Pahayag naman ng isa pa, “Gwapo naman talaga iyan in person kasi nakita ko si Papa P sa studio, napakagwapo talaga.”

“Gray hair will not define you as a person… Still look up to you Papa P. A good looking guy with a big heart. God bless to you Papa P and Happy New Year!” pagbati naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Piolo Pascual

Inaabangan ng kaniyang mga tagahanga ang muli niyang pagbabalik–pelikula katambal ang mahusay na aktres na si Alessandra De Rossi. Siya rin ang magiging direktor nito.

Loading…