PNP, ni-rescue ang mga residente ng Talisay sa gitna ng pagbuga ng makapal na abo ng Bulkang Taal

  • PNP, tumulong sa pag-evacuate ng mga residente ng Talisay, Batangas
  • Ang Talisay ang isa sa mga hazard-prone areas na lubos na apektado ng pagputok ng bulkan
  • Sinabi ng PHIVOLCS na posibleng umabot sa Talisay ang mga bato na ibinubuga ng bulkan

Mabilis na umaksyon ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) upang tulungan ang mga biktima ng maitim at makapal na ashfall sa Talisay, Batangas sa gitna ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal at dalhin sila sa mas ligtas na lugar.

Imahe mula sa PIA-Calabarzon

Makikita sa ilang mga larawan na ibinahagi ng Philippine Information Agency-CALABARZON ang pagtulong ng PNP sa mga Talisay residents.

Sa kabila ng mga abo na bumalot sa kanilang mga kasuotan, nagpatuloy ang mga PNP personnel sa pagganap sa kanilang tungkulin at siguruhin na ang mga apektadong residente ng Talisay ay mailikas.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, ang Talisay ang isa sa mga hazard-prone areas na labis na maaapektuhan ng pagputok ng bulkan.

Binigyan ng ahensya ng babala ang mga residente sa nasabing lugar na posibleng umabot sa kanila ang mga bato na ibinubuga ng Taal Volcano. Hinikayat din nito ang mga residente na nasa loob ng 14-kilometer radius ng Bulkang Taal na lumikas na dahil mayroon nang lava fountain na nakikita sa bulkan.

Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon ng mga pasok sa lahat ng paaralan sa Metro Manila, CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) at Central Luzon dahil sa patuloy na pag-alboroto ng Bulkang Taal.

Imahe mula sa PIA

Sinuspinde rin ng Pangulo ang pasok sa mga government offices sa tatlong nabanggit na rehiyon ng bansa. Hinihikayat din ng pamahalaan ang pribadong sector na suspindihin din ang pasok sa kanilang mga tanggapan dahil may kaakibat na panganib ang paglanghap sa abong ibinubuga ng bulkang Taal.

Patuloy na mag-abang sa mga updates kaugnay ng bulkang Taal at mag-ingat po ang lahat.

Imahe mula sa PIA Calabarzon
Source :

Facebook

Loading…