PNR train nabasag ang salamin sa isa na namang insidente ng pambabato

  • Isa na namang insidente ng pambabat0 ng PNR train ang naitala
  • Nabasag ang front windshield ng Hyundai Rotem train unit
  • Nakikipag-ugnayan na ang DOTr sa mga law enforcement authorities at local government units upang hulihin sa akto ang mga nambabat0

Isa na namang insidente ng pamamato sa tren ng Philippine National Railways (PNR) ang naiulat sa unang araw ng taong 2020. Ito na ang ika-labinlimang insidenteng naiulat.

Imahe mula sa DOTr

Labing-apat na stone-thr0wing incidents ang naitala noong December 2 hanggang 21, 2019.

Ang pinakahuling insidente ay naganap dakong alas-sais ng gabi noong Miyerkules, ika- 1 ng Enero sa Caloocan City; ilang araw lang matapos kondenahin ng Department of Transportation (DOTr) ang mga ginagawang pamamato sa mga tren ng PNR.

Ayon sa pahayag ng DOTr noong Huwebes, Ika-2 ng Enero, ay nabasag ang front windshield ng isang Hyundai Rotem train unit na kapapaayos pa lamang. Nilinaw ng ahensya na ang nasabing train unit ay hindi ang bagong bili mula sa Indonesia.

Agad pinalitan ng bago ang nabasag na windshield upang hindi maantala ang train service.

Nanawagan ang DOTr sa publiko na tulungan ang ahensya na ituro ang mga lugar kung saan madalas maganap ang mga ganitong insidente. Nauna nang sinabi noon ng DOTr na sa dako ng Alabang ang may pinakamaraming insidente ng pambabato sa mga tren.

Imahe mula sa DOTr

“We again call for heightened vigilance from the public, particularly our train-riding commuter, to help us in pinpointing the areas where these misdeeds happen, and to immediately report them,” pahayag ng ahensya.

Sinabi pa ng DOTr na maigting nitong minomonitor ang mga insidente at nakikipag-ugnayan na sa mga law enforcement authorities at local government units upang hulihin sa akto ang mga naninirang tao.

Gumagawa na umano ang DOTr ng mga kinakailangang hakbang upang matigil na ang mga nakasisira at delikadong gawain.

Imahe mula sa DOTr
Source :

Facebook

Loading…