Popsters, nagdaos ng ‘Tala Para sa Taal’ flash mob for a cause

Imahe mula sa video ng Popsters Official via Facebook
  • Nagtipon ang daan-daang mga Popsters o fans ni Sarah Geronimo sa Quirino Grandstand noong Sabado
  • Suot ang pink na damit, sabay sabay nilang isinayaw ang hit song na ‘Tala’ upang makalikom ng pondo na kanilang ibabahagi sa mga apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal
  • Ayon sa ulat, nasa 300 ang nakadalo rito habang 600 naman ang nagpadala ng P100 na donasyon

Suot ang pink na damit, daan-daang mga Popsters o fans ni Sarah Geronimo ang sabay sabay na sumayaw ng hit song niyang “Tala” upang makalikom ng pondo na kanilang ibabahagi sa mga evacuees na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal noong isang Linggo.

I-click ang imahe para mapanood ang video via Facebook

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nasa 300 ang personal na pumunta sa Quirino Grandstand para makiisa sa “Tala para sa Taal Dance Flash Mob for a Cause” noong Enero 18 at 600 naman ang nag-register at nagpadala ng P100 na donasyon.

Ibibigay nila ang nalikom sa Philippine Red Cross na nagpaabot naman ng pasasalamat para sa grupo. “Thank you, Popsters, for your generosity and spreading love to the most vulnerable,” sabi nila sa kanilang post.

Taong 2016 nang ilabas ni Sarah ang “Tala” ngunit noong nakaraang taon lamang ito sumikat at naging dance craze. Kahit saan magtungo ay maririnig ang kantang ito. Makikita maging mga bata o senior citizen na umiindak sa awiting ito kaya naisipan ng Popsters na gawin itong paraan upang makatulong sa mga kababayang nananatili pa rin sa mga evacuation centers.

Imahe mula sa Facebook | Popsters Official

“Guys, let’s do this! Come and join us! Nagsayaw ka na, nakatulong ka pa!” sabi ng Popsters Official sa kanilang page. Hinimok din nila ang mga hindi makakasama sa grupo na magpadala ng kanilang donasyon.

Patuloy pa rin ang pagbuhos ng tulong para sa mga residenteng naapektuhan ng pagsabog at pag-aalburoto ng Bulkang Taal sa Batangas. Nakataas pa rin ang Alert Level 4 doon na nangangahulugang  posibleng mangyari ang hazard0us expl0sive erupti0n sa loob ng ilang oras o araw kaya hindi pa rin pinababalik sa kanilang mga bahay ang mga nasa loob ng danger zone.

Loading…