Prenup pictorial ng magkasintahan sa Cebu, hango sa mga totoong eksena na pinagsasaluhan ng mag-asawa

  • Tampok sa isang prenup pictorial sa Cebu ang mga pangkaraniwang eksena sa buhay mag-asawa
  • Viral ang mga larawan ng magkasintahang sina Anj at Poy kahit pa mas pinili nilang kunan ang mas simple at mas makatotohanang eksena kapag sila ay ikinasal na
  • Ayon pa sa photographer nila na si Gail Geriane, ang mga kliyente niya mismo ang humiling na gawing mas natural ang kanilang mga larawan

Simple ngunit masaya. Ito ang isinasalamin ng mga larawan ng magkasintahang sina Anj at Poy sa kanilang prenup wedding photoshoot.

Imahe mula kay Gail Geriane | Facebook

Sa Facebook, viral ang mga larawan ng magkasintahan sa Cebu dahil sa tema ng kanilang prenup pictorial na hango sa mga makatotohanang eksena sa buhay mag-asawa.

Ibinahagi ang mga ito ng kanilang photographer na Gail Geriane sa Facebook noong January 5.

“When miss Angelie Jean asked me if we could keep the sh0ot as natural and authentic as possible, I knew I was in for a really fun engagement session,” sabi ni Gail sa kaniyang post.

Ayon kay Gail, ang mga kliyente niya mismo ang humiling na gawing natural at mas makatotohanan ang kanilang mga larawan.

Hindi naman nito binigo ang magkasintahan lalo’t kapansin-pansin sa kaniyang mga kuha ang nag-uumapaw na pagmamahalan nina Anj at Poy.

Binigyang-buhay rin ng magkasintahan ang mga pangkaraniwan ngunit masasayang eksena na pinagsasaluhan ng mag-asawa.

Imahe mula kay Gail Geriane | Facebook

Maging ang netizens ay napaisip na hindi naman pala kinakailangang gumastos nang malaki para sa magagarbong damit at mamahahaling lokasyon para lang maisalarawan ang pagmamahalan ng dalawang taong nakatakdang magpakasal.

“The most contented love photos,” ani GV.

“Wow as in wow. Amazing! Sobrang ganda at nakaka-touch po ng cover. Very natural, kakaiba sa lahat ng prenup photo na nakita ko. Nakaka-inspire,” ani MADR.

“Sana lahat ganito. Dream come true para sa aming mga babae ang mga ganitong eksena. I hope na hanggang pagtanda magkasama kayo Sir Poy at Ma’am Anj. Goodluck. Galing mo miss Gail Gerianne,” dagdag nito.

I-click ang imahe para makita ang orihinal na post

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 3,000 reactions at halos 1,000 shares ang mga larawan nina Anj at Poy sa Facebook.

Source :

Facebook

Loading…