Proper diet at pagtulog sa hustong oras, makatutulong daw na protektahan ang sarili sa 2019nCoV

Imahe mula sa Unsplash
  • Wala pang kumpirmadong kaso ng 2019nCoV sa bansa ngunit pinag-iingat lalo ang mga Pilipino upang hindi mahawaan nito
  • Bukod sa pag-iwas sa mga may sakit, pinayuhan ng isang doktor ang mga tao na kumain nang tama, matulog nang sapat na oras, uminom ng tubig, at mag-exercise
  • Makatutulong daw ang mga ito upang lumakas ang resistensiya

Kahit wala pang kumpirmadong kaso ng 2019nCoV sa bansa, ibayong pag-iingat na ang ginagawa ng ilang mga Pilipino upang hindi mahawaan nito. Marami na ang makikitang nagsusuot ng face mask upang maiwasan ang paglaganap ng coronavirus.

Imahe mula sa video ng ABS-CBN News via YouTube

Ngunit ayon sa isang public health expert, bukod sa pag-iwas sa mga may sakit, makatutulong din ang pagpapanatili ng kalusugan upang lumakas ang resistensya at hindi mahawaan ng mga carrier nito.

“The only thing that will help us fight off the disease is not interact with those who are sick. Have a balanced diet, sleep the right number of hours, and get good physical exercise,” payo ni Dr. Susan Mercado sa isang interview sa ABS-CBN.

Sinabi niya rin na dapat din daw kumain ng masusustansiyang pagkain kagaya na lamang ng prutas at gulay, at siguraduhin daw na uminom ng maraming tubig.

Ang misteryosong sakit na ito ay maaaring magdulot ng mala-pneum0nia na acute respirat0ry infecti0n. Umabot na sa 106 ang mga taong pumanaw mula sa sakit na ito sa China at nasa 4,000 na ang kas0 nito na naitatala sa buong mundo.

Imahe mula sa Unsplash

Sa Pilipinas, may 24 nang mga persons under investigation o PUI, 18 sa mga ito ay nasa mga 0spital sa Metro Manila. Ang ilan pa ay nasa Mimaropa, Visayas, at Northern Mindanao naman.

Ayon sa ulat ng GMA News, hinihintay pa nila ang resulta ng mga tests mula sa Research Institute for Tropical Medicine at Victorian Infecti0us Disease Reference Laboratory sa Australia.

Sinabi naman ni Department of Health Undersecretary Eric Domingo na karamihan sa mga PUI ay mga Chinese at wala raw mga Pilipino.

“This virus is in human beings. What we need to do is limit the movement of those who are sick and avoid those who are sick. If they get well and they fight off the virus, the virus dies in them,” sabi ni Mercado.

Loading…