Protection kits, ipinamahagi sa mga pinakaapektado ng pag-aalburoto ng Taal Volcano

Imahe mula sa PNA
  • Nagbahagi ng protection kits ang Department of Health sa mga pinakaapektado ng ashfall dala ng Bulkang Taal
  • Laman daw nito ang N95 masks, eye drops, at water disinfectant
  • Nakipag-ugnayan na raw sila sa local government units sa pamamahagi ng mga ito

Namigay ang Department of Health ng mga protection kits para sa mga residente na nasa high risk areas sa CALABARZON upang maprotektahan sila sa mga ash fall dulot ng pag-aalburoto ng Taal Volcan0.

I-click ang imahe para mapanood ang video via YouTube

Ginawa nila ito kasunod ng mga balitang lumabas na nagkaubusan na ng supply ng face mask sa ilang mga botika. Ang ilan naman, ibinebenta na sa mas mataas na halaga ang mga N95 masks na inirerekomenda ng mga awtoridad para maprotektahan ang kalusugan ng mga apektadong residente.

Sa ulat ng GMA News, sinabi umano ni Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo na ang laman ng mga protection kits ay N95 masks, eye drops, at water disinfectant. Nakipag-ugnayan sila sa mga local government units upang magpatulong sa pamamahagi ng mga ito.

Ang Department of Trade and Industry, inirekomenda namang limitahan ang bilang ng mga mask na maaaring ibenta sa isang customer nang sa gayon ay maiwasan ang hoarding. Nagbabala rin sila sa mga nananamantala sa sitwasyon na kakasuhan ng profiteering.

Imahe mula sa MovePH

Samantala, isinailalim na sa “code blue” alert ang mga 0spital sa CALABARZON na nangangahulugang 50 percent ng mga hospital personnel ay pinapapasok. Sa kasalukuyan naman daw ay hindi pa sila nakapagtatala ng pagtaas ng kas0 ng mga respiratory iilness.

“Sa ngayon, hindi naman sila overwhelmed. I mean, hindi naman nag-increase pa yung number of cases natin ng respiratory illness. What we are most concerned with now really is bringing the health workers to the evacuation centers, as well as congestion, water supply, and hygiene. We don’t want any disease outbreaks happening in the evacuation centers,” sabi ni Domingo sa ulat ng Manila Bulletin.

Nagpaalala na rin ang Philippine Cornea Society na magsuot ng goggles o eyeglasses kung hindi maiiwasang lumabas ng bahay. ‘Wag din daw titingala upang tignan ang ash fall dahil makakasakit ito sa mata. Kung napasukan ng abo ang mata, gumamit daw ng eye lubricant upang matanggal ito o kaya naman ay gumamit ng malinis na running water sa loob ng 5 hanggang 10 minuto upang matanggal ang mga ito.

Loading…