Puwede rin pang-OOTD? Estudyante, namasyal sa Singapore suot ang school uniform

  • Viral sa social media ang mga larawan ng isang estudyante dahil sa naiiba nitong OOTD sa pamamasyal sa Singapore
  • Suot ang kaniyang school uniform, nilibot ni Biboy Ces Tampoco ang mga sikat na tourist attraction sa nasabing bansa
  • Kinaaliwan din ng netizens ang caption ng binata sa bawat litratong kaniyang in-upload sa Facebook

Tumatak sa netizens ang mga larawan ng isang mag-aaral na may naiibang “outfit of the day” o OOTD sa kaniyang pamamasyal sa ibang bansa

Imahe mula kay Biboy Ces Tampoco | Facebook

Sa Facebook noong January 20, kinagiliwan ang mga litrato ni Biboy Ces Tamposo dahil suot nito ang kaniyang PUP school uniform habang nililibot ang iba’t ibang pasyalan sa Singapore.

Marami rin ang naaliw sa mga caption ng binata sa bawat litratong kaniyang in-upload sa Facebook.

“Picture muna ako dito. Walang ganito sa lagoon,” ayon sa caption ng isang larawan ng binata kung saan naroon ang Merlion.

Naghatid rin ng goodvibes ang sunod nitong larawan kung saan tila iniinom niya ang tubig na nanggagaling sa rebulto. “Teka nauhaw ako,” pabirong sabi nito sa larawan. Hindi rin nito pinalagpas ang pagkakataon na magpunta sa Universal Studios Singapore suot ang kaniyang school uniform.

Ipinahayag naman ng netizens ang kanilang pagkaaliw sa viral na larawan ng mag-aaral na tila ba sumaglit munang mamasyal sa ibang bansa bago pumasok muli sa klase.

“Can’t afford yung ganitong cutting classes. Nagbago na isip ko papasok na lang pala ako sa school,” pabirong sabi ni EYU.

“Ganito dapat ‘di yung hanggang SM lang. Hahaha!” sabi naman ni LG.

Imahe mula kay Biboy Ces Tampoco | Facebook

“Ano kaya itsura nung mga pasahero sa aiport nung nakita ka na naka-uniform? Hahaha,” tanong naman ni SC sa comment section.

Sa ngayon ay mayroon nang higit 16,000 reactions ang mga larawan ng estudyante sa Facebook.

Source :

Facebook

Loading…