Rachelle Ann Go, nakabili na ng sariling bahay sa UK; patuloy pa rin ang magagandang roles sa West End

  • May sarili nang bahay si Rachelle Ann Go at ang kanyang mister sa United Kingdom
  • Mananatili kasi sila roon dahil tuloy ang magagandang roles niya sa teatro doon
  • Magkakaroon din siya ng homecoming concert dito sa Pilipinas matapos ang halos anim na taon

Tuloy-tuloy ang pasok ng biyaya para sa Pinay Broadway performer na si Rachelle Ann Go. Matapos kasi ang pagkakaroon niya ng sariling bituin sa walk of fame sa Eastwood at pagkakaroon ng major concert sa Resorts World Manila sa Valentine’s Day, inilahad niyang marami pang bagong blessings sa kanya pag-uwi niya sa London, United Kingdom.

Sinabi ni Rachelle Ann sa kanyang panayam sa GMA News na bagaman mananatili siya sa Pilipinas hanggang Pebrero para sa kanyang concert, nakatakda naman siyang bumalik sa London upang gampanang muli ang papel na Fantine sa West End musical na Les Miserables.

Larawan mula sa Instagram account ni Rachelle Ann Go

Nag-migrate na rin sa London ang kanyang asawa na si Martin Spies dahil may naipundar na rin silang sariling bahay. Matagal na raw pangarap ni Rachelle Ann na magkaroon ng sariling bahay sa London at ngayon ay kasama pa niya ang asawa.

Simple lang daw ang two-bed room house na nakuha nila sa London pero gustong-gusto raw nila ito dahil mayroon itong garden, mahilig daw kasing mag-grill ang kanyang asawa. Excited na rin ang award-winning theater actress na lagyan ng dekorasyon at pagandahin ang kanilang bagong tahanan.

Dahil daw nagampanan niya na noon ang papel na Fantine sa same production ng Les Miserables ay mas gamay na niya ito at mas makapaglalaan na siya ng oras sa personal na buhay, kabilang ang pagiging maybahay.

Larawan mula sa Instagram account ni Rachelle Ann Go

Unang beses din umano siyang mapapanood ng kanyang mister sa isang concert dahil madalas daw na stage play siya napapanood ng kabiyak. Excited rin si Rachelle Ann sa kanyang comeback concert dahil noong 2014 pa siya huling nakapagtanghal sa ganitong uri ng proyekto.

Biro pa ng Search for a Star champion, dahil sa tagal niyang hindi nagkaroon ng concert ay tila nakalimutan na niya kung paano ito gawin. Maraming guest performers daw ang makakasama ni Rachelle Ann sa kanyang homecoming concert.

Source :

GMA News, YouTube

Loading…