Regine Velasquez, humingi ng pang-unawa sa maling spelling ng pangalan ni Kobe Bryant sa post niya

Imahe mula sa Instagram at Twitter | Regine Velasquez
  • Pang-unawa ang hiling ni Asia’s Songbird Regine Velasquez matapos siyang magkamali sa baybay ng pangalan ng yumaong NBA legend na si Kobe Bryant
  • Paliwanag niya, dyslexic siya kaya nahihirapan siya sa pagbabasa
  • Wala raw kaso kung itatama siya ngunit sana raw ay gawin ito sa maayos na paraan

Humingi ng pang-unawa si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid matapos pansinin ng netizens ang maling spelling niya ng pangalan ng pumanaw na NBA legend Kobe Bryant.

Imahe mula sa Instagram | Regine Velasquez

Sa Instagram, nag-post si Regine ng larawan ni Kobe, 41, na kabilang sa mga sinawimpalad matapos mag-crash ang sinasakyang helicopter sa Calabasas, California. Kasama niya ang 13 anyos na anak na si Gianna. Pupunta sana sila sa Mamba Academy kung saan mag-eensayo si Gianna at coach naman ang kaniyang ama.

Sinabi ni Regine sa caption na malungk0t na araw daw ito para sa kaniya. Nilagyan niya rin ito ng #RIPKobe ngunit ayon sa mga ulat ay Coby raw ang unang baybay ni Regine sa pangalan ng Black Mamba.

Sa kaniyang tweet, inamin ni Regine na madalas daw siyang magkamali ng baybay sa mga pangalan ngunit maaari raw siyang itama nang hindi siya pinapahiya. Dagdag pa niya, may dyslexia kasi siya kaya hirap siya sa spelling.

“I always make a mistake with spelling someone’s name. You can correct me without embarrassing me and it is okay. I have dyslexia. I have a hard time with spelling,” saad niya sa kaniyang post. “Please be kind. Again, you can correct me without making me feel bad.”

Imahe mula sa Twitter | Regine Velasquez

Umani naman ng suporta si Regine mula sa ibang netizens at maging sa asawang si Ogie Alcasid. “I love you, my honey,” komento ni Ogie sa post niya.

Si Jaya naman sinuportahan din siya at sinabing hindi niya rin maintindihan kung bakit kailangan pang i-bash ang maling baybay niya. “You might be dyslexic but God has blessed you so much that He made you conquer the world with your talent. Don’t worry about others Mare. Know that YOU ARE LOVED!”

“Omg, ate. Who called you out for that? Alam na alam namin na weakness mo ang reading and writing because of dyslexia and we are so protective of you sa part na ‘yan. It’s why you struggle in spiels and why you type out with punctuation/spelling errors. It’s okay. We got you,” sabi ng isang netizen.

Loading…