‘Relatable queen:’ Catriona Gray, nagbiro na ‘inspired by slow Internet’ ang signature slowmo turn niya

Imahe mula sa video ng ABS-CBN Entertainment via YouTube
  • Naaliw ang netizens sa hirit ni Miss Universe 2018 na inspired by the slow Internet daw ang signature slow motion turn niya
  • Nag-request kasi ang kapwa host niya sa ‘It’s Showtime’ na gawin muli ni Catriona ang slowmo turn na ito
  • Mabilis namang sinabi ni Catriona na nagbibiro lamang siya

Maraming netizen ang naaaliw sa biro ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa “It’s Showtime” kung saan host siya ngayon.

Imahe mula sa Instagram | Catriona Gray

Hiniritan kasi siya ng co-host na si Vice Ganda sa Mini Miss U segment ng noon-time show na gawin ang kaniyang signature slow motion turn. “Catriona, pa-sample pa nga ng isa nung slowmo walk na yun. Pinag-usapan ng buong universe yang slowmo walk na yan,” sabi ni Vice. Game na game naman niya itong ginawa at muling pinahanga ang mga audience.

“Parang humihinto talaga ang mundo, ano?” komento ng kapwa host matapos itong gawin ni Catriona na sumagot naman ng “Inspired by the slow Internet. Joke lang.”

“Miss Philippines ka nga,” tugon naman ng natatawang si Vice Ganda.

Naka-relate ang mga netizen sa birong ito ni Catriona. Sa katunayan, ibinahagi ni ljmiran ang video clip ng tagpong ito sa Twitter. Aniya, “Iba ka talaga mag-isip, i-regular host niyo na ‘to.” Ngayon ay may 17k retweets at 71k likes na ang post niyang ito. Komento ng Twitter user na si Ruru, relatable daw talaga ang beauty queen na si Catriona.

I-click ang imahe para mapanood ang video via YouTube

Sakto sa ika-26 kaarawan ni Catriona nang magsimula siya bilang pansamantalang host sa It’s Showtime noong Enero 6. Ipinalit siya sa mga host na sina Anne Curtis at Mariel Rodriguez na kapwa mga naka-maternity leave sa ngayon.

“I am so so happy to be part of It’s Showtime family for my birthday week. It’s the best time to celebrate, gusto ko talaga to be with you all for my birthday, to be with the madlang people,” sabi ni Catriona.

Disyembre noong isang taon nang ipasa ni Catriona ang korona bilang Miss Universe kay Miss South Africa Zozibini Tunzi. Matapos ang kaniyang reign ay bumalik siya sa Pilipinas upang pagtuunan naman daw ng pansin ang isa niya pang passion bukod sa charity work—ang music. Maglalabas din siya ng libro ngayong taon.

Loading…