Remedyo ng kalikasan: Isa ka rin ba sa mga naglagay ng bawang sa tainga bilang lunas?

  • Takbuhan ng mga may nararamdaman sa kanilang tainga ang bawang
  • Remedyo kasi ito sa iba’t ibang karamdaman sa tainga na napatunayan na ng agham
  • Mayroon na ring nabibiling garlic oil ear drops para sa mas ligtas na lunas 

Sa panahon ng makabagong medisina, marami nang lunas sa iba’t ibang karamdaman ang natuklasan ng mga eksperto. Mula sa mga gam0t hanggang sa mga aparatong ginagamit sa mga pagamutan  ay makabago na at pinaunlad na ng teknolohiya.

Ngunit sa isang bansang tulad ng Pilipinas, kahit na mayroong makabagong paraan ng pagpapagaling, ay marami pa rin sa atin ang nagpapasiyang gumamit ng mga tradisyonal na paraan upang bigyang lunas ang iba’t ibang nararamdaman ng ating katawan.

Larawan mula sa YouTube

Isa sa mga nakagisnang lunas lalo na kung mayroong nararamdamang kakaiba sa tainga ay ang paglalagay ng bawang sa butas nito. Ang rekadong karaniwan ay nagpapasarap sa mga lutuin sa paraang paggigisa, ay isa ring maaasahang remedyo sa mga kinahaharap ng ilang bahagi ng katawan, partikular na sa tainga.

Ang ganitong gawain ay hindi lamang isang sinaunang paniniwala dahil napatunayan na ng agham ang naibibigay na lunas at ginhawa ng bawang na inilalagay sa tainga. Ayon sa website na Healthline, dahil likas na mayroong anti-inflammat0ry properties ang  bawang, maaari nga itong makaalis ng pananakit na nararamdaman sa tainga.

Ilan daw sa mga napapagaling ng paglalagay ng bawang sa tainga ay earache, impeksiy0n, at tinnitus o ang parang pagtunog ng tainga. Ngunit paalala ng mga eksperto, kailangan lamang na may kalakihan ang ilalagay na bawang sa inyong tainga upang hindi ito pumasok sa mismong loob.

Upang matulungan na rin ang mga pasyente at maging mas ligtas ang paggamit ng bawang bilang lunas, mayroon na ring mga nabibiling garlic oil ear drops na napatunayang ligtas na ring ipatak sa tainga kung may nararamdaman. Piliin daw ang mga organic ear drops upang masigurong hindi magkakaroon ng ibang epekto sa tainga.

Larawan mula sa Pexels

Mayroon ding mga paraang itinuturo ang mga eksperto upang makagawa ng sariling garlic oil para sa tainga. Sa website pa rin na Healthline, mayroon silang mga hakbang kung paano makagagawa ng ligtas na oil drops para sa tainga na gawa sa bawang.

Payo rin ng mga nutritionist, marami ding magandang epekto kung madalas na isasahog sa mga lutuin ang bawang. Mapalalakas daw nito ang immune system ng isang tao.

Loading…