Researcher nagrekomenda ng panghalili kung walang N95 mask na mabili

Imahe mula sa Mono 29 News
  • Ang N95 mask ang inirerekomendang gamitin bilang proteskyon sa nararanasang ashfall kasunod ng pagsab0g ng Taal Volcano
  • Isang researcher ang nakadiskubre ng paraan para makagawa ng substitute N95 mask kapag wala nang mabili
  • Nagsimula nang magkaubusan ng mga mask sa mga botika kaya makatutulong ang substitute mask na ito

Umabot na sa CALABARZON at Metro Manila ang ashfall dulot ng pagsab0g ng Taal Volcano kaya naman agad na nagkaubusan ng supply ng face mask sa ilang mga lugar.

Imahe mula sa Twitter | MovePH

N95 ang mask na inirerekomenda ng mga doktor dahil ang karaniwang surgical mask ay para raw sa mga fluid at blo0d spills. Ngunit ngayon pa lang ay nagkakaroon na ng kakulangan ng supply sa mga ito.

Isang researcher ang nagrerekomenda ng maaaring panghalili sa N95 mask. Ayon sa pagsusuri na ginawa nina Usanee Vinijketkamnuan at Khanittha Punturee mula sa Chiang Mai University noong 2008, maaari raw gumamit ng ordinary na face mask at lagyan ito ng tissue paper o panyo sa loob. Kaya raw nitong magsala ng 75 hanggang 90 percent ng mga delikadong airborne dust particles na mas maliit sa 2.5 microns ang diameter.

Kung wala raw tissue o panyo sa loob ng face mask, hanggang 48 percent lamang daw ang kayang i-screen nito. Ang mga homemade masks naman daw na gawa sa damit o panyo ay hindi makapagbibigay ng proteksyon.

Maaari rin daw gumamit ng basang face towel bilang proteksyon kung walang mabiling mga mask.

 

Imahe mula sa GMA News at kay Ramos Rebranding Sinnie

Samantala, nagpaalala rin ang Department of Health na ugaliing makinig at sumunod sa mga advisory.

“Health Secretary Francisco Duque III reminds the public to always heed warnings and advisories from local authorities. Adverse health effects from volcanic eruption can be avoided if warnings are diligently heeded,” sabi ng DOH sa isang Facebook post.

Pinayuhan din nila ang mga tao na manatili sa bahay ngunit kung hindi maiiwasang lumabas ay ‘wag kalimutang magsuot ng mask at protective clothing kabilang na ang goggles.

Sinuspinde na ng Malacanang ang pasok sa lahat ng level ng paaralan at maging ang goverment work sa CALABARZON, Metro Manila, at Region III. Nirekomenda rin nila ang pagsuspinde ng trabaho sa pribadong sector para sa kaligtasan ng mga manggagawa.

Loading…