Richest man in China Jack Ma nag-donate ng 100 million yuan para labanan ang nCoV

  • Jack Ma nag-donate ng 100 million yuan para sa development ng vaccine laban sa nCoV
  • Ang Alibaba, ang kumpanyang itinatag ni Jack Ma, ay nag-donate ng 1 billion yuan upang pondohan ang pagbili ng mga medical supplies sa Wuhan City
  • Umabot na sa 170 ang hindi nakaligtas sa bagsik ng nCoV

Nagbigay si Jack Ma, ang founder ng Alibaba online commerce company at pinakamayamang tao sa China, ng 100 million yuan bilang donasyon upang malabanan ang mabilis na kumakalat na novel coronavirus (nCoV) na nananalasa sa China.

Imahe mula sa Facebook page ni Jack Ma

Ang kanyang donasyon na ibinigay sa pamamagitan ng itinatag niyang charitable foundation – ang Jack Ma Foundation – ay gagamitin para sa pag-develop ng bakuna laban sa nCoV.

Sa nasabing halaga ng donasyon, ang 40 million yuan ay inilaan ng Chinese billionaire sa dalawang Chinese government research organizations at ang natitira ay gagamitin bilang suporta sa “prevention and treatment measures.”

Ang donasyon ng Jack Ma Foundation ay bukod pa sa donasyon ng Alibaba na nagkakahalaga ng 1 billion yuan upang pondohan ang pagbili ng mga medical supplies para sa Wuhan City – ang epicenter ng nCoV outbreak.

“We know that the battle between humanity and disease is a long journey. This money will help various medical research efforts and help disease prevention,” pahayag ng Alibaba.

Inaalok din ng kumpanya na magamit nang libre ang kanilang AI computing power sa mga scientific research organizations bilang suporta sa paghahanap nila ng lunas sa nCoV.

Imahe mula sa Facebook page ni Jack Ma

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 170 ang mga taong hindi nakaligtas sa bagsik ng nCoV at halos walong libong tao naman ang nagpositibo rito.

Ang nCoV ay pinaniniwalaang nagsimula sa isang wet market sa Wuhan City sa Hubei Province. Kumalat na ito sa maraming bansa kabilang ang  Australia, Cambodia, Canada, Finland, France, Germany, Japan, Malaysia, Nepal, Singapore, South Korea, Sri Lanka, Taiwan, Thailand, Tibet, United Arab Emirates, US, at Vietnam.

Sa Pilipinas, kinumpirma ng Department of Health na ang isang female Chinese patient under investigation ay nagpositibo sa nCoV. Ito ang first confirmed case ng nCoV infection sa bansa.

Screenshot mula sa CNN video

Loading…