Rizal Park, napanatiling malinis sa pagsalubong ng Bagong Taon

  • Malinis ang Luneta o Rizal Park matapos ang pagdiriwang ng mga tao roon para sa pagsalubong ng Bagong Taon
  • Naging mahigpit ang mga awtoridad upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran
  • Nakiisa rin ang mga tao sa pagnanais ng lokal na pamahalaan na mapanatili ang kalinisan sa lugar kung saan nakalagak ang bantayog ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Gat Jose Rizal

Napanatili ng Luneta o Rizal Park ang kalinisan nito kahit na halos 14, 000 katao ang nagtungo rito upang salubungin ang taong 2020 nitong New Year’s Eve Celebration, sa pakikipagtulungan na rin ng mga awtoridad.

Naging mahigpit umano ang mga awtoridad sa pagsita sa mga pamilyang piniling salubungin ang Bagong Taon sa Luneta Park, upang maiba naman ang kanilang paraan ng pagdiriwang. Taon–taon naman itong ginagawa ng mga tao sapagkat may mga nakaabang na surpresa para sa mga tao tuwing countdown.

Imahe mula sa Facebook page ng News 5

Natuwa naman ang mga netizens sa disiplina ng mga tao, gayundin sa mahigpit na pagpapatupad ng kalinisan ng mga awtoridad. Para sa kanila, ito ay kredito sa kasalukuyang alkalde ng Maynila na si Yorme Isko Moreno Domagoso dahil sa maigting na political will na maisaayos ang Maynila.

Bago ang pagsapit ng pagsalubong sa 2020, mahigpit na nagbilin ang Yorme na dakpin ang sinumang mahuhuling magkakalat sa Luneta Park.

“That’s what you called political will, marunong nang mahiya… just practice until it becomes a habit. A good start from us, bring back our desirable traits of being a good Filipino. Kudos to the leaders!” saad niya.

Sabi naman ng isang netizen, “Salamat Yorme. Salamat sa mga Pilipinong marunong ng salitang kalinisan. Sana pamarisan kayo ng ibang Pilipino na nag–uumpisa pa lang matuto ng disiplina sa sarili. Kudos sa inyong lahat!”

“Happy New Year, everyone! Thank you for being disciplined person and being disciplined Filipino people. Sana tuloy–tuloy na iyan. Puwede naman pala! Basta talaga ang nanunungkulan ay may political will at kamay na bakal, isang salita lang sinusunod na kaagad,” komento naman ng isa pa.

Imahe mula sa Facebook page ng News 5

Dagdag pa niya, “Ang Pinoy nga rin naman kung hindi pa pagbabantaan at ipatutupad nang mahigpit ang batas hindi pa susunod!”

Kung ihahambing na nga ang mga larawan ng mga sikat na lugar sa Maynila tulad ng Divisoria, Luneta, at marami pang iba noon at ngayon, malaki na nga ang pinagbago pagdating sa kalinisan at kaayusan.

Masasabing utang ito sa political will ng kasalukuyang pinuno ng punong lungsod ng Pilipinas, subalit magtatagumpay ito kung matamang susunod ang mga nasasakupang mamamayan at maging mga turista. Sana ay magtuloy–tuloy na ito. Sabi nga, “Cleanliness is next to Godliness.”

Source :

News 5, UNTV

Loading…