Rocco Nacino naipatayo na ang kanyang dream house; sinabing ito ang motivation niya na magtrabaho pa

  • Ibinahagi ni Rocco Nacino sa kanyang Instagram account ang larawan ng kanyang bagong bahay
  • Hindi pa ito nalilipatan ni Rocco dahil marami pa raw kailangang ilagay at ipundar
  • Ngunit proud si Rocco dahil gawa na ito at kinakailangan na lang lagyan ng laman

Hindi biro ang trabaho bilang isang celebrity. Maliban kasi sa madalas na puyat at pagod sa kabi-kabilang taping, nariyan din ang mga intriga at isyu na madalas ay nakaaapekto sa takbo ng karera ng mga ito. Gayunman, bilang tao, mayroon pa ring goals ang mga artista na gusto nilang matupad.

Isa na sa mga ito ang StarStruck alumnus na si Rocco Nacino.

Mula nang maging runner-up sa nasabing reality search, nagsunod-sunod na ang kanyang proyekto at naging isa sa mga naging prime leading man ng Kapuso network. At matapos ang sampung taon na pagtatrabaho bilang artista, naipatayo na rin niya ang kanyang dream house.

Larawan mula sa Facebook account ni Rocco Nacino

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Rocco ang larawan ng tapos na niyang dream house. Bagama’t hindi pa ito maaaring tuluyan dahil kakabitan pa raw ito ng security features at kailangan pang ipundar ang mga gamit sa loob, proud si Rocco dahil nagbunga na ang lahat ng kanyang pagtatrabaho.

“Ipinapakilala sa inyo, ang aking soon to be! Landscaping work to be done next. Electric fence and CCTV na lang, pwede nang lumipat! Haha konting kayod pa para sa mga gamit sa loob,” pahayag ng 32-year-old actor sa kanyang post.

Dagdag pa ni Rocco, ito rin daw ang isa sa mga motibasyon niya para kumayod pa. Maliban kasi sa pagiging isang artista, isa na ring Navy reservist ang Kapuso actor.

“Konting kayod pa para sa mga gamit sa loob. Let’s go Rocco, claiming this year na makalipat ka na. #hataw,” pag-motivate ni Rocco sa kanyang sarili.

Larawan mula sa Facebook account ni Rocco Nacino

Samantala, abala naman si Rocco ngayon sa isang malaking proyekto ng GMA Network na Descendants of the Sun: Philippine Adaptation. Makakasama niya rito sina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, at Jasmine Curtis.

Hindi biro ang pinagdaanan ng buong cast sa bagong serye dahil sumailalim din sila sa military training upang magampanan ang role bilang mga sundalo. Ipalalabas ang Descendants of the Sun: Philippine Adaptation sa Pebrero.

Loading…