Sa birthday message ni Robin Padilla, ibinahagi kung paano niya ‘hinabol’ noon si Sharon Cuneta

  • May espesyal na mensahe si Robin Padilla para kay Sharon Cuneta na kamakailan lamang ay nagdiwang ng kaarawan
  • Huli man ang kaniyang pagbati kay Sharon ay bumawi naman ang aktor sa ipinaskil niyang mensahe sa Instagram account nito
  • May kalakip na throwback photo ng kanilang unang pagtatambal sa pelikula ang kaniyang post

May pahabol na birthday message si Robin Padilla sa idolo at dating minamahal na si Sharon Cuneta na nagdiwang ng ika-54 kaarawan noong Enero 6.

Imahe mula sa Facebook page ni Robin Padilla

Sa Instagram account ni Robin ay ibinahagi nito ang larawan ng movie poster nila ni Sharon na Maging Sino Ka Man — ang unang pelikulang kanilang pinagtambalan noong 1991.

“I’m just a boy from the mountains of Baguio dreaming of meeting his idol. Always imagining the day I will see her one day,” pag-alala ni Robin nang una niyang personal na nakita noon ang kaniyang idol na si Sharon Cuneta.

Inalala ni Robin kung paano niya sinundan at hinabol ang ningning at kagandahan ni Sharon habang sakay ng motorcade noon sa Baguio City.

“She has a motorcade in the city of pines. There I saw her in slow motion waving to her fans. I chased her but the vehicle was moving fast. I tried to keep up running my fastest. I shouted and shouted her famous name hoping she gives me a glimpse but I lost them,” kuwento pa nito.

Ibinahagi rin ng aktor kung paano nawala sa kaniyang paningin noon ang hinahabol na idolo at kung paano napalitan ng lungkot ang sayang kaniyang naramdaman nang makita niya ito.

“I slowly stop catching my breath; still looking at the zigzag road wondering where she was going. Suddenly, happiness turned into sadness. I sat down on the sidewalk hoping her vehicle would reappear. Minutes turned into hours,” dagdag pa ng aktor.

Ngunit hindi nawalan ng pag-asa si Robin na muling makikita ang kaniyang idolo na si Sharon Cuneta.

“I told myself, one day I will have the chance again and I will never let my idol go. Maging sino ka man… Happy birthday idol huli man daw ay nakakahabol pa rin,” pagwawakas ni Robin.

At sa unang pagkakataon ay nakatambal nga niya si Sharon sa isang pelikula na pumatok sa takilya. Nagkamabutihan din noong ang dalawa at nagkaroon ng relasyon.

Dumating pa nga sa yugto na kinausap ni Robin ang tatay ni Sharon para hingin ang kamay ni Sharon na noon ay naghihintay na lamang na maayos ang ganap na paghihiwalay nila ni Gabby Concepcion.

Imahe mula sa Facebook page ni Sharon Cuneta

Sa isang panayam, inamin din ni Sharon na “very much in love” sila ni Robin sa isa’t isa.

Noong 2017 ay nagkaroon ng reunion movie ang dalawa — ang Unexpectedly Yours.

Loading…