Sa halip na magdiwang, magkasintahan nag-abot ng tulong sa mga taga-Batangas para sa kanilang ika-14 anibersaryo

Imahe mula sa Facebook | Lalaine Endaya
  • Sa halip na humiling ng magarbong pagdiriwang para sa kanilang ika-14 na anibersaryo, iba ang hiningi ni Lalaine Endaya sa kaniyang boyfriend
  • Tulong para sa mga naapektuhan ng pagsab0g ng Bulkang Taal ang nirequest niya sa boyfriend niyang si Carl James Guillermo
  • Wala raw katumbas na kahit anong halaga ang ngiti ng mga nakatanggap ng tulong mula sa kanila

“Anniversary gift na hinding hindi ko makalilimutan.”

Ganito inilarawan ni Lalaine Endaya ang natanggap na regalo mula sa kaniyang kasintahan para sa pagdiriwang nila ng kanilang 14th anniversary.

Imahe mula sa Facebook | Lalaine Endaya

Ang regalong tinutukoy niya, hindi enggrandeng date o mamamahaling bagay kundi donasyon para sa mga apektado ng pagput0k ng Bulkang Taal.

Nagbahagi si Lalaine ng larawan sa social media na nagpapakita ng kahun-kahong mga delata, biscuit, at noodles na ipinamahagi nila sa mga taga Batangas. Ayon sa kaniya, proud siya sa boyfriend niyang si Carl James Guillermo na hindi nagdalawang isip na ibigay ang hiling niya para sa kanilang anniversary.

“Thank you kasi super dali mong kausap. Sabi ko ayoko na ng date kasi pwede naman natin gawin anytime yun. Thank you kasi nung sinabi ko na ang gusto ko na anniversary gift ay pumunta tayo ng Batangas at magbigay ng tulong, pumayag ka agad tapos ang tanong mo lang saan tayo dadaan. Sabi ko madali na yun,” kuwento niya.

Imahe mula sa Facebook | Lalaine Endaya

Ibinahagi niya rin ang ginawa nilang pag-aabot ng tulong sa San Luis, Batangas.

“Thank you, Lord! Nakakaiyak at nakakakilabot yung mga nakita namin pero walang kahit magkanong katumbas na halaga yung ngiti sa labi nung mga tao na napuntahan namin kanina,” sabi ni Lalaine.

May mensahe rin siya para sa kaniyang boyfriend na naging dahilan upang maging posible ang pamimigay ng donasyon na ito.

“Thank you kay Lord kasi binigyan niya ako ng boyfriend na grabe magsakripisyo at sumuporta sa lahat ng bagay na gusto ko.”

Happy anniversary, Lalaine at Carl! Salamat sa pagbabahagi sa mga kapatid nating nangangailangan!

Loading…