Saan nga ba maaaring matikman ang klasiko at walang kaparis na sarap ng “pares”?

  • Paboritong pagkain ng karamihan sa mga Pilipino ang “pares”
  • Ang pares o beef pares ay karaniwang tawag sa braised beef stew na may kasamang sinangag at sabaw
  • Isa sa mga klasiko at kilalang kainan ng pares ang “Pares Mami House”

Isa sa mga pagkaing paborito, binabalik–balikan, at hindi maisasantabi ng mga Pilipino ang “pares”. At kung pares ang pag uusapan, isa sa mga kainan na bukambibig ng mga tao na maaaring dayuhin upang makakain nito ang Pares Mami House sa Kalye Retiro, na ngayon ay Kalye Amoranto, sa La Loma, Quezon City.

Dahil sa Facebook post ng nagngangalang “Gimeno Bondoc” sa Facebook page na “Memories of Old Manila”, nabuksan tuloy ang kuryosidad ng maraming mga netizens tungkol sa umano’y napakasarap na pares sa Pares Mami House, na maituturing ng “klasiko”. Nagmula ang post sa “What to Eat Philippines”.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Umani naman ito ng reaksyon at komento mula sa mga netizens. Sabi ng isa, “I used to eat here when I was young with my mom and dad. So many good memories…”

Turan naman ng isang parukyanong sabongero, “Favorite dining place ng mga sabungero ng La Loma Cockpit… and I’m one of them. Hehehe. Napakasarap ng mami at pares diyan. Hanggang ngayon, talagang dinarayo namin.”

“Parang hindi pa rin nagbabago. Paminsan–minsan kumakain kami diyan ng mga kaklase ko noong high school. Tumira din kami sa La Loma noong bata pa ako. Maraming pinagbago ang lugar, pero yung pares nariyan pa rin,” saad ng isa.

Kuwento naman ng isang suki, “Grabe ang tao riyan, parang hindi nauubusan, box office, kaso tirik na mata mo bago ma–serve order mo, sa dami ng mga customers na gustong kumain ng pares, o kaya mami.”

Bagama’t sinasabing ang orihinal na pares ay mula sa kainang may pangalan na “Jonas”, ang pares ng Pares Mami House ang isa sa mga kilala at dinarayong kainan ng pares sa bansa. Bukod sa pares, dinarayo rin dito ang mami, siopao, siomai, lugaw, campto, bulalo, hototay, at marami pang iba.

Public Domain Image

Ang pares  o beef pares ang karaniwang tawag sa braised beef stew na may kasamang sinangag at sabaw.

Loading…