Sayaw ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres, naghatid ng good vibes

  • Natuwa ang mga tagahanga at tagasubaybay nina Richard Gomez at Lucy Torres sa kanilang pagsayaw
  • Bukod kay Lucy, isinayaw rin ni Goma ang kaniyang anak na dalagang si Juliana
  • Kinasabikan ng mga netizens na makita ulit sila sa telebisyon o pelikula

Naghatid ng good vibes ang pagsayaw ng ballroom dance ng celebrity couple na sina Richard Gomez at Lucy Torres sa pagdiriwang ng Bagong Taon, na ibinahagi ng kanilang mga tagahanga.

Sa video na matatagpuan sa Facebook page na “Richard Gomez Global”, kitang–kitang wala pa ring kupas ang mag–asawa; bagay na kinakiligan naman ng kanilang mga tagahanga. Gwapo pa rin si Goma na nakasuot lamang ng simpleng puting polo shirt na naka–tuck in sa pants habang ang misis na si Lucy ay napakaganda pa rin sa suot na green dress.

Imahe mula sa Facebook page na Richard Gomez Global

Hindi naman napigilan ng kanilang mga tagahanga na magkomento sa dalawa. Nasasabik na rin kasi silang makita ang mag–asawa sa telebisyon o pelikula. Ayon sa isang netizen, “Lucy is still graceful! I remember those TV shows na dance ang tema.”

“Saad naman ng isa, “It’s an awesome feeling to see both of you! Balik na kayo sa TV please! Pwede pa naman eh.”

Hindi lamang si Lucy ang isinayaw ni Goma kundi maging ang kaniyang anak na si Juliana. Batay sa Instagram post ni Goma nitong Enero 3, 2020, “Even when Juliana was a child I always loved dancing with her. It is my time where I can hug her close to my heart, take a close look at her smiling face and tell her how much I love her. Moments like these are priceless, precious to me.”

Imahe mula sa Instagram account ni Richard Gomez

Unang nagkrus ang landas nina Richard at Lucy noong 1993 sa isang tv commercial ng sikat na shampoo. Mula noon, napabalita na ang panliligaw ni Goma kay Lucy, hanggang sa maging magkasintahan sila, at nagpakasal. Si Lucy ay naging host ng mga dance tv shows tulad ng  “Shall We Dance”. Parehong pinasok ng mag–asawa ang politika at nagkaroon ng mga katungkulan sa pamahalaan.

Loading…