Sen. Bato Dela Rosa hindi natapos ang BOSS Ironman Motorcycle Challenge matapos sumemplang

  • Motorsiklo ni Sen. Bato Dela Rosa sumemplang sa Cagayan Valley
  • Nagtamo ng arm injury ang senador dahil sa insidente
  • Ang senador ay lumahok sa 2020 BOSS Ironman Motorcycle Challenge

Isa sa mga participants ng 2020 BOSS (BMW Owners Society of Saferiders) Ironman Motorcycle Challenge si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa subalit sa kasamaang palad ay hindi na niya matatapos ang endurance challenge dahil sumemplang siya habang binabagtas ang isang kalsada sa Cagayan Valley.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Ronald Dela Rosa

Sa isang Facebook post, sinabi ng senador na sumemplang ang motorsiklo niya nang mapadaan siya sa basa at madulas na bahagi ng isang kalsada sa Sanchez Mira sa Cagayan Valley noong ika-18 ng Enero.

“S**t happens! And it really happened when I crashed along the wet and glossy asphalt road of Sanchez Mira, Cagayan Valley. I can no longer finish the 2020 BOSS Ironman Motorcycle Challenge supposedly this afternoon,” post ng senador sa kanyang Facebook account.

Sa kasalukuyan ay nagpapagaling na si Sen. Dela Rosa sa natamong arm injury matapos sumemplang.

Sa isa pang post, nagbahagi ang senador ng isa pa niyang larawan habang sakay ng motorsiklo bago maganap ang aksidente.

“My 2nd to the last checkpoint at Vigan city, Ilocos sur at around 1am before the accident,” aniya.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Ronald Dela Rosa

Samantala, sinabi ng hepe ng Sanchez Mira PNP na si Maj. Stanley Banan na hindi niya alam na nasangkot sa aksidente sa kanyang nasasakupan ang senador.

Isang residente naman ng Sanchez Mira na posibleng sa kasunod na bayan ng Pamplona sumemplang ang motorsiklo ni Sen. Dela Rosa dahil nakita raw niya ito nang lumabas sa dulo ng Sanchez Mira. Wala umanong aspaltadong kalsada sa Sanchez Mira, pero sa Pamplona ay mayroon.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Ronald Dela Rosa

Loading…