Sen. Cynthia Villar, sinabing kakulangan sa nutrisyon ang isa sa dahilan ng mababang performance ng mga mag-aaral

  • Sinabi ni Senadora Cynthia Villar na hindi lamang ang mga guro ang dapat sisihin sa mababang performance ng mga mag-aaral
  • Dapat daw ay tignan din ang nutrisyon ng mga ito at ang programa ng mga ahensiyang may kinalaman dito
  • Napag-initan ni Villar ang DA, NDA, at PCC dahil sa hindi raw pagtugon sa kalusugan ng mga bata

Naniniwala si Senador Cynthia Villar na hindi lamang dapat isisi sa mga guro ang mababang performance ng mga bata sa eskwela. May pananagutan din umano ang mga ahensiya na may kinalaman sa nutrisyon kung bakit tila mahina ang karamihan sa mga estudyante sa bansa.

Ito ang naging laman ng isang hearing sa senado na pinangunahan ni Villar. Ginisa ni Villar ang Department of Agriculture (DA) at National Dairy Authority (NDA) na may malaking papel daw sa nutrisyon ng mga mag-aaral sa bansa.

Larawan mula sa Facebook page ni Sen. Cynthia Villar

Lumalaganap na raw kasi ang mga low-performing students dahil ang mga kapos na mag-aaral ay pumapasok sa eskwela nang walang laman ang tiyan. Maging ang pag-inom ng gatas ng mga mag-aaral ay napansin ni Villar na may epekto raw sa performance ng mga mag-aaral.

“Kaya yung mga estudyante n’yo nagiging b0b0 na kasi hindi n’yo tinulungan sa proper nutrition. Hindi naman reason nun yung quality of teachers alone but the proper nutrition ng children, especially po0r children, kaya sinisi ko ‘yang Department of Agriculture,” sabi ng senadora.

Napag-initan niya rin ang Philippine Carabao Center at NDA na itinatag 26 taon na ang nakararaan ngunit ang suplay ng gatas sa bansa ay inaangkat pa rin. Ikinainis ng senadora na one percent lang ng suplay ng gatas ang production ng Pilipinas at 99 percent pa ang inaangkat.

Larawan mula sa Pexels

“Siyempre ‘pag mahirap ang bata, kaya bang bumili ng imported? Di ba hindi? So wala nang nagdi-drink ng milk na mahirap na mga bata kaya partly to blame kayo sa kab0b0han ng mga bata,” bulalas ni Villar na makikitaan ng pagkainis sa DA.

Ginawa ang pag-usig sa DA at NDA sa kabila ng mga paglabas ng pag-aaral patungkol sa mababasang literasiya ng mga mag-aaral na Pilipino. Isa na rito ang mababang ranking ng Pilipinas sa Programme for International Student Assessment 2018 kung saan pinakamababa ang Pilipinas sa larangan ng pagbasa, math, at science.

Source :

Inquirer, RMN

Loading…